Kim Chiu speaks up about viral #nobionoboto registration video

Ipinagtanggol ni Kim Chiu ang sarili laban sa mga bira ng ilang netizens dahil diumano sa paglaktaw niya sa pila sa voters registration sa Marikina City noong October 27. Sinabi ng Kapamilya star na hindi niya inunahan ang mga nakapila dun kundi may pinapila siya para sa kanya.


Pinag-uusapan ngayon sa social media ang Facebook post ng isang "Kupal Lord" tungkol sa diumano'y paglaktaw ni Kim Chiu sa pila noong October 27, araw ng voters registration sa isang mall sa Marikina City.

Sa naturang post, may kalakip pa itong video habang kinukunan ng biometrics ang Kapamilya actress.

Litanya ni Kupal Lord sa Facebook: "GALING SA INBOX: KAPAG ARTISTA, PWEDE NA LAHAT!

"Nangyari ang insidenteng ito noong oktubre 27, 2015. Matagal naghintay ang mga tao sa isang lugar sa Marikina para makapag parehistro sa darating na botohan.

"Noong nagsisimula na ang processing, may biglaang dumating na artista itago na lang natin sa pangalang 'Kim Chiu' (hahaha) So ayun dahil artista nga hindi nya na kailangan pumila.

"Nakakaawa yung mga taong naghintay makapag parehistro ng maaga lalong lalo na yung mga matatanda parang tinaboy lang para paunahin si Tsinita Princess.#OnlyinthePhilippines

"Pag artista ka di ka na kailangan pumila!!! dito lang yan sa comelec marikina.

"Pati senior citizens kawawa sa kanila. Comelec chairman ayusin mo naman mga bata mo."- Complainant (Fred L.)

GALAWANG ARTISTA = GALAWANG VIP

GALING SA INBOX: KAPAG ARTISTA, PWEDE NA LAHAT!Nangyari ang insidenteng ito noong oktubre 27, 2015. Matagal naghintay ang mga tao sa isang lugar sa Marikina para makapag parehistro sa darating na botohan. Noong nag sisimula na ang processing, may biglaang dumating na artista itago na lang natin sa pangalang "Kim Chiu" (hahaha) So ayun dahil artista nga hindi nya na kailangan pumila. Nakakaawa yung mga taong naghintay makapag parehistro ng maaga lalong lalo na yung mga matatanda parang tinaboy lang para paunahin si Tsinita Princess. #OnlyinthePhilippines"Pag artista ka di ka na kailangan pumila!!! dito lang yan sa comelec marikina.Pati senior citizens kawawa sa kanila. Comelec chairman ayusin mo naman mga bata mo."- Complainant (Fred L.)

Posted by Kupal Lord on Wednesday, 11 November 2015

"DON'T JUDGE..." Dahil dito ay nabatikos nang husto si Kim ng netizens.

Hindi naman daw porke't artista ito ay kaya na niyang gawin ang paglaktaw sa pila.

Ikinumpara pa siya kay former Davao City Mayor Sara Duterte na tinapos daw muna ang pila ng mga tao bago ito nagparehistro.

May ilang fans naman ang nagtanggol kay Kim sa Instagram account nito.

Anila, maaga pa lang ay nasa mall na ang kanilang idolo at matiyaga itong naghintay sa sasakyan para sa pagbubukas ng mall.

May pinapila na rin daw ito on her behalf, na sinang-ayunan naman ng Kapamilya star base sa kanyang tweets ngayong araw, November 12.

Isang follower ni Kim sa Twitter ang nagtanong ng ganito sa kanya: "Ateng @prinsesachinita, Anong say mo doon sa kumakalat na video tungkol sayo na hindi ka pumila nung nagparegister ka?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tugon ni Kim: "@adel_delica i was there 7:30am po kasi i had a flight after, my RM lined up for me po,close pa mall. nung turn ko na po tsaka ako bumaba..."

Sa huli, nagpaabot si Kim ng mensahe sa mga bumira at bumatikos sa kanya:

"dont judge if you dont know the real story.. dont base sa kung anong nakikita ng mata.. know everything first, bago mag kwento.. 👎"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN