Kris Bernal on reunion project with Aljur Abrenica: "I want to explore other leading men or ibang flavor naman."

Kris Bernal on working again with loveteam partner Aljur Abrenica: "Wala, e. Wala ako sa point na puwede akong mag-request and, at the same time, of course, I want to explore other leading men or ibang flavor naman."


May bagong leading man si Kris Bernal sa latest teleserye niya sa GMA Network, ang Little Nanay.

Ito ay ang young actor na si Hiro Peralta.

Hindi ba ni-request ni Kris sa GMA na sa halip na si Hiro ay si Aljur Abrenica ang ipinareha sa kanya, bilang hudyat ng pagbabalik ng AlKris (Aljur-Kris) tandem?

Sagot ng Kapuso actress, “Wala, e. Wala ako sa point na puwede akong mag-request.

"And, at the same time, of course I want to explore other leading men or ibang flavor naman.

“Kasi nasanay na rin sila kay Aljur, e.

"And, I think, hindi pa ito yung right moment for us to make a comeback. Hindi pa ito yun."

Huling nagkapareha sina Kris at Aljur sa 2013 primetime series na Prinsesa Ng Buhay Ko.

Wala raw kaso kay Kris kung siya ang mas magdadala sa tambalan nila ni Hiro.

Baguhan lang si Hiro showbiz, samantalang si Kris ay matagal-tagal na rin sa larangang ito.

Aniya, “Okay lang. Kasi dumaan din naman ako sa pagiging bago, e.


STARSTRUCK HOST. Samantala, marami ang nakakapansing mas humusay si Kris bilang journey host sa StarStruck Season 6.

“Sana!” bulalas niya. “Pero ano, e, I give time and effort to it.

"I really memorize my spiels. I really memorize my lines.

"Talagang kinakabisado ko at iniintindi ko.

"I just don’t let it slip away, alam mo yun?

“Na parang, 'Okay, may hosting job ako. May StarStruck ako.'

"Kumbaga, kahit hosting siya, pinag-aaralan ko pa rin."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN