Kris Bernal admits fellow Kapuso talent Lucho Ayala courted her

Kris Bernal on having no love life: "Natutuwa ako kasi kaya ko nang walang love life. Nakakapag-focus ako sa work. Nakakapag-focus ako sa family ko, na hindi ko siya hinahanap at all.”


Inamin ng Little Nanay star na si Kris Bernal na wala siyang love life ngayon.

Saad niya, “Actually, kaya ko naman yung walang love life, e.

"Natutuwa ako kasi kaya ko nang walang love life.

“Nakakapag-focus ako sa work. Nakakapag-focus ako sa family ko.

"Na hindi ko siya hinahanap at all."


NO TIME FOR LOVE. Inamin din ni Kris nanligaw sa kanya ang kapwa Kapuso talent na si Lucho Ayala.

Nagkasama ang dalawa sa play na Noli Fili Dekada Dos Mil.

Ayon kay Kris, “Nanligaw si Lucho, during the play and after the play.

"Pero hindi ko kasi masyadong nabibigyan ng time ngayon, e.”

Pinatigil ba niya si Lucho na manligaw sa kanya?

“Hindi ko naman pinatigil, pero siguro sinabi ko, ‘Mag-relax muna tayo. I don’t want any pressure when it comes to love life. Ayoko nang minamadali ako.’

“Kumbaga, kagagaling ko lang din naman sa isang relationship with Carl [Guevara], so gusto ko ring magpahinga.”

Hindi ba mabilis manligaw si Lucho?

Sagot ni Kris, “Hindi, kasi months din naman yung training namin, e [for the play].

"Months din naman ang pinagsamahan namin.

“Dun lang na-develop. Kasi may girlfriend naman siya during the training.”


NOT THE REASON FOR LUCHO'S FAILED RELATIONSHIP. Pero nilinaw ni Kris na hindi siya ang sanhi ng breakup ni Lucho at ng girlfriend nito.

“Kasi hindi naman ako ganung klase ng babae.

"Kung alam kong committed ka or in a relationship ka, wala akong gagawin sa iyo or whatever.

“Hindi ko kasalanan.”

Hindi kaya binreyk ni Lucho ang girlfriend dahil kay Kris?

Sagot ng aktres, “Ewan ko kay Lucho.

"Pero ang sabi sa akin ni Lucho, hindi na talaga nagwo-work yung relationship nila.

"And, of course, kung ano lang yung narinig ko from Lucho, iyon lang din yung paniniwalaan ko."

Hindi naman faw binasted ni Kris si Lucho na isang buwang nanligaw sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero iyon nga. Ayokong bigyan ng time.

"Hindi pa ako ready or masyadong mabigat itong show na ito para… alam mo yun.

“Sabi niya maghihintay daw siya. Let’s see!”

Ayon pa kay Kris, “Siyempre nakilala ko siya during the trainings and nung nanligaw siya.

"So, of course, pag nakikilala mo yung isang tao, dun mo malalaman kung may chemistry kayo or kung nagki-click kayo.”

Wala ba silang chemistry ni Lucho?

“Meron naman. Pero kumbaga, parang, yun nga, ayoko siyang pagtuunan ng pansin.

“Kumbaga, alam kong may iba akong dapat i-focus and ito yun, yung trabaho ko.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN