Bea Binene shrugs off bashers of her debut gown

Deadma na lang daw ang ipinairal ni Bea Benine sa mga kastigong natanggap muka sa bashers na pangit daw ang kanyang gown noong 18th birthday celebration niya. Hindi naman daw talaga lahat ay pupuri sayo.


Ipinagkikibit-balikat lamang ni Bea Binene kung may ilan na hindi nagkagusto sa isinuot niyang gown sa kanyang debut party sa Manila Hotel noong November 3.

Bukod pa rito, na-bash din ang suot na gown ng kanyang ina. Diumano, nagmukha raw itong 'hermana mayor.'

Pahayag ni Bea tungkol dito, "Hindi naman po talaga siguro darating sa point na lahat talaga magugustuhan ka or something.

"Normal naman 'yan, e, kasi lahat naman ng tao may iba-ibang pinaniniwalaan. May iba-ibang views sa buhay.

"So, yun siguro it's normal.

"And ako, basta I had fun.

"Na-achieve namin yung gusto naming ma-achieve nung debut. That's it.

"Deadma lang. Kebs."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at 24 Oras ng GMA si Bea sa surprise appearance nito sa birthday celebration ng best friend niyang si Kristoffer Martin, ngayong Huwebes, November 12, sa Cafe UK, Mendiola, Manila.

WISH FOR KRISTOFFER. Bukambibig kina Bea at Kristoffer na sila talaga ang mag-best friend mula pa noong Tween Hearts days nila.

Nandiyan yung kahit madaling-araw na raw ay nagtatawagan pa sila, nagkukumustahan at nag-uusap ng kung anu-ano.

Ano naman ang wish ni Bea sa ika-21 kaarawan ni Kristoffer?

Sabi ng dalaga, "Happiness. Happiness sa lahat ng aspeto sa buhay niya—sa career, sa family, sa love, sa financial, lahat.

"Happiness na... Kasi sobrang deserve niya yun, e."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN