Ai-Ai delas Alas throws Mickey Mouse-themed birthday party; wishes for the success of MMFF movie

Ai-Ai delas Alas on her birthday party: “Mahirap magpa-children’s party pero ang happy. Nakakatuwa kasi nag-enjoy lahat ang mga bisita kasi may magic, may show nakakatuwa. Pang-good vibes lang.”


Kaakaiba ang party na inihanda ni Ai-Ai delas Alas para sa kanyang ika-51 kaarawan nitong Miyerkules ng gabi, November 11.

Naghanda ang Kapuso Comedy Queen ng children’s party sa Hemady Events Place na Mickey Mouse ang motif.

Ikinatuwa ng mga bata at pati ng mga matatandang dumalo ang birthday party.

May mga palarong pambata, magic show, at giveaways na Mickey Mouse pillows.

Bukod sa GMA executives na dumalo, dumating din ang magkasintahang Vic Sotto at Pauleen Luna, sina Erik Santos, Arnell Ignacio, at Dennis Padilla.

Paliwanag ni Ai-Ai tungkol sa theme ng kanyang birthday party, “Hindi ko kasi naranasan ang mabigyan ng children’s party kasi hindi naman namin kaya.

"Hindi naman kami mayaman kaya ngayon na lang ako nagpa-children’s party.

"Mahirap magpa-children’s party pero ang happy.

"Nakakatuwa kasi nag-enjoy lahat ang mga bisita, kasi may magic, may show nakakatuwa.

"Pang-good vibes lang."

Kaya raw siya nagpa-party nang ganun dahil gusto rin niyang magpasalamat sa lahat ng mga taong naging bahagi ng magandang takbo ng kanyang career.

JIRO MANIO'S GREETING. Bukod sa pagbati ng kanyang mga anak (sina Sancho, Sean Nicolo at Sofia) sa kanyang birthday, tuwang tuwa si AiAi sa mensahe ni Jiro Manio sa kanya.

Pinost ni AiAi sa kanyang Instagram ang video message ni Jiro, ang dating child actor na tinulungan niya matapos ito matagpuang palaboy laboy sa airport.


READ: Ai-Ai delas Alas reveals Jiro Manio will live with her after his treatment

"GRABE GREET NYA KO," saad ni AiAi sa Instagram.

Ito ang mensahe ni Jiro sa kanyang "Mama Ai": "Wish ko sana maging successful kayo sa inyong ginagawa. More birthdays to come. Nandito lang ako. Maraming salamat sa suporta. Happy birthday."

FOR THE LOVE OF MAMA. Sinabay rin ni AiAi sa birthday party niya ang pagbenta ng tickets para sa kanyang benefit concert, ang For the Love of Mama, na gaganapin sa SM MOA Arena sa November 23.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Layunin ng benefit show na ito na palakihin ang simbahan sa Commonwealth Avenue, Quezon City.

Sabi ni Ai-Ai, “Sana makapanood naman sila dahil this is for a good cause.

"Para po ‘to sa ipinapagawa naming simbahan, which is yung Kristong Hari Church, at saka yung Anawim [home for the elderly].

“Sana matulungan niyo po kami para mapalaki ko po yung simbahan.”


JOINING EAT BULAGA! Ang birthday wish ni Ai-Ai ay ang box-office success ng My Bebe Love, ang pelikula nila ni Vic Sotto at AlDub (Alden Richards at Yaya Dub) para sa Metro Manila Film Festival 2015.

Kaya nananawagan siya sa AlDub Nation na sana ay tangkilikin ang pelikula nila.

Masaya ring kinuwento ni Ai-Ai ang pagsali niya sa KalyeSerye ng Eat Bulaga! kahapon.

Ginampanan ni Ai-Ai ang pepel na Lola Babah, ang half-Russian, half-Pinoy na lola ni Alden.

Saad niya, "Natuwa ako kasi part ako ng isang phenomenal na KalyeSerye.

"I’ll try my best para hindi naman ako ma-OP [out of place] at para may mai-contribute naman ako sa KalyeSerye na ikatuwa ng buong AlDub Nation at lahat na nanonood at bumubuo ng Eat Bulaga.

Birthday wish rin ni Ai-Ai ang tuluy-tuloy na magandang takbo ng kanyang career sa GMA Network.

Sinabi rin niyang gagawa siya ng drama series at paghahandaan ang Regal Films movie niya sa 2016.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN