James Reid: "I never like the limelight. I never like the attention."

Ayon kay James Reid, ang mga post niya minsan sa Instagram ay inspirasyon ng mga awitin ni Justin Bieber. Wala naman daw itong iba pang pakahulugan. Pero aminado ang Kapamilya hunk na hindi talaga siya sanay sa ipinapakitang paghanga sa kanya ng fans.


Last week, may post na naman sa Instagram si James Reid na may malalim na kahulugan tungkol sa buhay.

Sabi niya: “My life is a movie and everyone's watching so let's get to the good part and past all the nonsense.”

My life is a movie and everyone's watching so let's get to the good part and past all the nonsense

A photo posted by James Reid (@jaye.wolf) onNov 4, 2015 at 5:09am PST

Naging daan ito upang mag-alala na naman ang kanyang mga tagahanga kung may problema ba siya o may pinagdadaanan.

Kaya naman minarapat ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media na hingan ng reaksiyon ang Kapamilya actor-singer tungkol dito.

Paglilinaw ni James, “It’s lyrics to a song. It’s lyrics to a song.”

Ang tinutukoy niya ay ang kanta ng sikat na international singer na si Justin Bieber na may pamagat na “I’ll Show You.”

Parang ipinaliliwanag sa kanta na kahit gaano man kasikat ang isang tao, mayroon pa rin itong pakiramdam at puso, at gustong mamuhay nang normal.

Sabi pa sa lyrics, hindi siya alien, hindi siya gawa sa bakal, at hindi siya perpekto.

Bahagi ng lyrics ng kanta ang mga ganitong salita:

My life is a movie and everyone's watching
So, let's get to the good part and past all the nonsense

Sometimes it's hard to do the right thing
When the pressure's coming down like lightning
It's like they want me to be perfect
When they don't even know that I'm hurting

This life's not easy, I'm not made out of steel
Don't forget that I'm human, don't forget that I'm real
“You act like you know me, but you never will
But that's one thing that I know for sure

I'll show you
I'll show you
I'll show you
I'll show you.


Nakausap ng PEP at iba pang media si James sa grand opening ng Papermoon Café, sa SM Megamall, kahapon, November 12.


“I NEVER LIKE THE LIMELIGHT.” Ito ba yung naramdaman niya noong araw na yun?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tugon ng On The Wings Of Love star, “It’s just… it really hits me when I listen to the song.”

May bashers din si James na nagsasabing palagi na lamang niyang idinadaan sa kanta ni Justin ang kanyang mga pananaw sa buhay.

Ano ang masasabi niya rito?

Maikling sagot ni James, “I don’t... I don’t know.”

Masasabing ang taong 2015 ay taon ni James at ng ka-love team niyang si Nadine Lustre.

Pahayag ng 22-year-old Kapamilya actor, “It’s been real slow.

“This has been a longest year in my life because so much happened.

“I feel, like, I’m five years older. But it’s a good year.

"I thought 2014 was my year, but this year is really worth it."

Kahit marami man daw siyang naging sakripisyo, masaya pa rin si James dahil marami siyang nagawang tulong sa kanyang pamilya.

Nae-enjoy ba niya ang kasikatang tinatamasa ngayon? Minsan ba ay gusto niyang mapag-isa, i-enjoy ang buhay na walang nagsisigawang tagahanga?

Sagot ni James, “I never like the limelight. I never like the attention.

"I just like what I do and I like to act, so it’s part of the job, I guess, and I'm just enjoying it."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN