Paolo Contis on LJ Reyes: "She brought the positive things back... blessing si LJ sa akin."

Paolo Contis is enjoying his second chances at work and, perhaps, love and with it is his resolve to keep to himself. He says, “Hindi na ako nagsasalita, hindi na ako nagpi-presscon, yun at yun lang din naman ang itatanong sa ‘yo. Kasi sobrang alam ng tao ang nangyari sa ‘yo."


“I’m very happy with my work, I’m happy with my personal life.”

Ito ang pahayag ni Paolo Contis nang kumustahin siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media sa presscon ng pelikulang Angela Makardo kahapon, November 12.

Natawa naman ang Kapuso actor nang tanungin kung ano ang pinaghugugutan niya ng happiness.

“Wala,” mabilis niyang sagot.

Si LJ Reyes kaya? Marami na kasi ang nakakakitang madalas silang magkasama.

“E, di yun ang tingnan nila, yun na lang,” pakli ni Paolo.

Dagdag niya, “I don’t want to talk anything about my personal life anymore, to be honest.

“Ayoko na ng may nakikialam, ayoko na ng may masyadong bukas sa tao, yung ganun.”

Magkaibigan lang sila ni LJ, maski tila more than friends ang tingin sa kanila?

Ayon kay Paolo, “Kung sasagutin ko ‘yan, e, di sinagot ko nang lahat?

"Basta masaya kami. Period."

Gaano katagal na ang kasayahan na yun?

“Basta masaya kami!” natawa niyang sagot.

“Basta masaya kami, masaya akong kasama siya.

“As I have said before, yung positivity niya sa buhay, yung aura niya is very refreshing to experience.

“Basta masaya ako, masaya ako in general.

"Siyempre, hindi nawawala ang problema sa buhay, di ba?

“Maraming problema ang buhay pero masaya kong hinaharap ang buhay ngayon.”


POSITIVE INFLUENCE. Kilala si Paolo sa pagiging open. Mapagbahagi siya sa anumang nakakapagpasaya sa kanya, lalo na kung tungkol sa babaeng minamahal niya.

Ano’t tila hirap siyang sagutin ang mga tanong tungkol sa status nila ni LJ Reyes?

Paliwanag ng aktor, “Well, una sa lahat, unlike before that I’ve been very open to the public.

“Konting kilos mo, it’s either may pupuna or may makikialam.

“Ang sa akin, ang personal ay personal.

“Hindi naman ako apektado ng ginagawa ko sa showbiz, wala naman akong ka-love team.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, I don’t owe anyone explanation kapag may nakita akong ibang kasama.

"Ang personal ko, personal ko.

“Hindi naman ikagaganda ng Bubble Gang kung sasagutin ko ang tanong ng mga tao, di ba?

“Rapist naman ako rito [sa pelikulang Angela Markado], so ano ang maitutulong?

“Kumakalat lang, mas marami lang mata.

"So ako, masaya ako.

“Inaamin ko naman dati pa, masaya akong kasama si LJ, she brought the positive things back.

“Positive perspective, positive attitude when it comes to work, life—that’s what she does to me.”


ALOOF. Kapansin-pansin na marami ang nabago kay Paolo nang maghiwalay sila ng asawa niyang si Lian Paz.

Unang-una ay ang pagiging aloof niya suddenly.

Pagsang-ayon ni Paolo, “Marami talaga, marami.

“Marami akong pinagdaanang problema.

“Yes, well, hindi naman lingid sa tao ang mga pinagdaanan ko, so lahat ng bagay kumalat.

“Maraming bagay na kumalat, hindi ka ba magiging aloof nun?

“Kung anu-ano ang ipinagkalat tungkol sa ‘yo, di ba?

“Kaya hindi ako nagpi-presscon, hindi ako nagpupunta sa presscon.”

Ayaw niyang idepensa ang sarili niya?

“Anong point? Una sa lahat, para i-defend mo ang sarili mo, sasagutin mo ang tao.

“Sasagutin mo ang naninira sa ‘yo, bakit pa?

“Hahaba lang ang kuwento, so might as well I’ll keep quiet.”

Sabi pa niya, “Hindi na ako nagsasalita, hindi na ako nagpi-presscon, yun at yun lang din naman ang itatanong sa ‘yo.

“Kasi sobrang alam ng tao ang nangyari sa ‘yo.

“May ilang bagay naman na hindi na dapat pang malaman ng ibang tao, nalaman pa, e.

“Ultimo pati personal, financial status, tinira.

"So, bakit mo aanuhin, bakit mo pa papatulan?"

Pero bahagi na talaga ng pagiging artista na mahalungkat o mapag-usapan ang personal na buhay nila kapag may presscon.

Sabi ni Paolo, “Yeah, and as I’ve said, I look at everything na in a very positive way.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Lahat ng nangyari sa aking negative na buhay, kumbaga, naging blessing si LJ sa akin.”


ESTRANGED. Ano naman ang status ng marriage nila ni Lian, annulled na ba ito o legally separated lang sila?

“No comment,” iwas ni Paolo

Base sa social media posts ni Lian, sa Cebu na ito naninirahan kasama ang bagong karelasyon at mga anak nila.

Kumusta sila ng dating asawa?

“Hindi kami nagkakausap… I talk to my kids, yes, regular kong nakakausap ang mga anak ko.

“I think, hopefully, before the year ends, makita ko ang mga bata.”

Wala ba silang kasunduan ni Lian na sa kanya sa Pasko, sa New Year ang mga bata?

“Wala pa kaming ganung usapan, darating tayo diyan.

“Ang importante e nakakausap ko ang mga anak ko, hindi naman niya ipinagkakait yun.”

Nirerespeto nila ang kani-kanilang buhay?

“Yes, yes,” sambit ni Paolo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN