Jessy Mendiola to netizens who blame her for JM de Guzman’s issues: “Wag kayong masyadong mapanghusga, hindi kayo Diyos.”

Jessy Mendiola has a message to netizens who point their fingers at her for JM de Guzman’s plight: “Tao din ako at may puso ako, nagmahal lang ako at nasaktan din.”


“Pagdadasal ko na lang kayong lahat.”

Ito ang mensahe ni Jessy Mendiola sa lahat ng mga bumabatikos at sinisisi siya sa sinapit ng ex-boyfriend na si JM de Guzman.

Maraming tagasuporta ni JM ang nababahala dahil sa posts nito sa kanyang Instagram account.

Iniisip ng marami na may pinagdadaanan ang aktor at ang muling paghihiwalay nila ni Jessy ang isa sa mga itinuturong dahilan.

Sa kanyang post sa Instagram kahapon, November 12, may netizens ang nang-bash kay Jessy dahil sa kundisyon ngayon ni JM.

#NesteaApple TVC Behind the scenes. 🍎

A photo posted by Jessy Mendiola (@senorita_jessy) onNov 11, 2015 at 7:04am PST

Bukod sa siya ang sinisisi sa diumano'y pinagdadaanan ngayon ni JM, tinawag ding "manggagamit," "makasarili," at kung anu-ano pang masasakit na bintang ang aktres.

May isang netizen ang nag-message kay Jessy at sinabing hindi nila alam kung ano ang nangyayari kay JM ngayon.

Sinabihan ng nasabing netizen si Jessy na huwag na niyang balikan si JM kapag naging maayos uli ang kalagayan ng aktor.

Sabi pa ng nasabing netizen kay Jessy: “Hindi mo nga hawak buhay niya pero isa ka sa dahilan kung bakit siya nagkakaganyan.”

JESSY REACTS. Sumagot naman si Jessy sa nasabing netizen.

Sinabihan ng aktres na wala itong karapatan na husgahan siya dahil hindi nito alam kung ano ang nangyayari sa kanya at kay JM.

“Hindi mo pala alam nangyari samin, eh. So wala kang karapatan husgahan ako.”

Dagdag pa ni Jessy, walang alam ang netizen kung bakit nagdesisyon sila ni JM na maghiwalay muli.

Tinawag ni Jessy na makasarili ang netizen dahil sa hindi pagiging sensitibo at nagbitiw ng mga salitang nakakasakit.

Sabi pa ng aktres patukoy sa kanyang bashers: “Ang hindi ko maintindihan sa mga taong ‘to, masyado kayong nanghuhula sa mga nangyari at sa mga desisyon namin.

“Tao din ako at may puso ako, nagmahal lang ako at nasaktan din.

“Wag kayong masyadong mapanghusga, hindi kayo Diyos. Hindi niyo alam LAHAT.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sana matauhan na kayong lahat at magising sa mga sarili niyo. Kung kayo ang nasa posisyon namin, sigurado akong sobrang sakit din nito sa mga puso [niyo].

“At ang pinakamalala pa sa inyong mga nanghuhusga, hindi kayo nakakatulong sa sitwasyon. Pagdadasal ko nalang kayong lahat.”

Nagpasalamat naman si Jessy sa mga nagtanggol sa kanya at nag-post ng mga positibong komento.

May espekulasyong may pinagdadaanan si JM at nagiging problema umano muli ito sa set, kung kaya’t tinanggal na siya sa mga proyekto niya.

Sa kasalukuyan, hindi na napapanood si JM sa afternoon soap ng ABS-CBN na All Of Me, at hindi na rin siya kasali sa pelikulang Walang Forever na entry sa Metro Manila Film Festival 2015.

Dahil na rin sa interpretasyon ng fans ni JM na mayroon siyang matinding pinagdadaanan, nagkomento ang aktor sa kanyang Instagram account at sinabing hindi lahat ng iniisip nila ay tama.

Sabi ni JM: “Pag tahimik may problema. Pag malungkot naka droga. Guys... Guys...eto ako. Live with it.”

Read: JM de Guzman posts cryptic messages on IG: “Hey dad, are you going to send me to rehab again?”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN