Carlo J. Caparas says National Artist Award controversy is "a thing of the past"

Carlo J. Caparas says he values his wife Donna Villa and their children more than any award, "Daig pa nun ang medalya ng anumang karangalan pa na puwedeng ipagkaloob sa akin.”


Matapos mamahinga sa paggawa ng pelikula sa loob ng matagal-tagal na panahon, nagbabalik si Direk Carlo J. Caparas sa pamamagitan ng remake ng Angela Markado.

Simula na raw ito ng pagiging aktibo niya sa showbusiness.

“Di naman ako umalis kahit kailan sa pelikula e kaya hindi ako nagbabalik kung di nagre-reactivate.

“Habang nagpapahinga ako ng mahabang mga taon, patuloy namang pinag-aaralan ko kung ano pa ang mga puwede kong magawa sa industriya.

“Kung ano pa ang mga puwedeng maitulong ko sa mga tumatangkilik ng mga pelikulang Filipino.

“Nasisiyahan ako na nagkasama-sama uli kami sa ngayon.

“Wala naman akong planong huminto kapag nakapag-umpisa na.

“Teleserye? May negotiation kami ng Viva about Panday, Tasya Pantasya.

“May bagong Panday na kinuha ang Viva, malalaman ninyo rin.”

NATIONAL ARTIST AWARD CONTROVERSY. Nobelista at direktor, marami na ring naiambag si Carlo Caparas sa mundo ng komiks, pelikula, at telebisyon.

Pero isa sa malaking pagsubok na kinaharap niya noon ay ang pagkuwestiyon at pagbawi ng National Artist award.

Iginawad ito sa kanya noong termino ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Pero dahil nabalewala ang proseso ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA) at Cultural Center of the Philippines (CCP), nagdesisyon ang Korte Suprema na bawiin ito kanya at sa tatlo pang artists: Pitoy Moreno, Cecile Guidote-Alvarez, at Francisco Mañosa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
The manifest disregard of the rules, guidelines and processes of the NCCA and CCP was an arbitrary act that unduly favored respondents Guidote-Alvarez, Caparas, Mañosa, and Moreno," the SC said. - See more at: http://www.gmanetwork.com/news/story/317670/news/nation/sc-voids-national-artist-award-on-carlo-caparas-3-others#sthash.7k8zCB7R.dpuf
"The manifest disregard of the rules, guidelines and processes of the NCCA and CCP was an arbitrary act that unduly favored respondents Guidote-Alvarez, Caparas, Mañosa, and Moreno," the SC said. - See more at: http://www.gmanetwork.com/news/story/317670/news/nation/sc-voids-national-artist-award-on-carlo-caparas-3-others#sthash.7k8zCB7R.dpufGuidote-Alvarez, at Francisco Mañosa.

Siniguro naman ng batikang direktor na bahagi na lang ito ng nakaraan para sa kanya.

Saad niya, “A thing of the past sa isip ko, di ko naman kailangan ang kahit na anong medalya.

"Dahil naibigay na kung ano ang gusto ko, si Ms. Donna Villa at ang mga anak ko.

"Daig pa nun ang medalya ng anumang karangalan pa na puwedeng ipagkaloob sa akin.”

ANDI’S EYES. Naging matunog ang pangalan noon ni Sam Pinto na gaganap sa remake ng pelikulang Angela Markado na unang ginampanan ng mahusay na aktres na si Hilda Koronel.

Kaya marami ang nagulat na tapos na pala ang nasabing pelikula at ipapalabas na sa darating na Disyembre kung saan ang bida ay si Andi Eigenmann.

Bilang direktor ng pelikula, nagpaliwanag si Direk Carlo tungkol dito sa presscon ni Atty. Persida Acosta cum presscon na rin ng Angela Markado na ginanap noong Huwebes, November 12, sa Shangri-La Finest Chinese Cuisine sa Quezon City.

Klinaro naman ni Direk Carlo na si Andi talaga ang first choice niya para sa nasabing role.

Tatlong producers raw ang nag-attempt na gawin ang remake ng pelikula, at kabilang sa mga napipisil na gumanap sa title role ay sina Sam Pinto, Iza Calsado, at Katrina Halili.

Ayon sa direktor, “Maraming producers na nagtangka na gumawa nito sa akin.

“Pero hindi ko naman naipagkaloob sa kanila.

“Nung ako ang nag-isip na gawin ko na ang remake ng Angela Markado… una kong nasa isip si Andi Eigenmann.

“Nakita ko sa kanya ang hinahanap ko sa role na ito para mapantayan o mahigitan ko ang unang Angela Markado.

“Nakita ko kasi ang mga performance niya sa mga pelikula.

“Siya ang pinakamahusay na artistang babae na nakita ko na gumaganap sa mga pelikula, sa mga TV shows.

“Ibang klase ang performance level na nakikita ko kay Andi, yung intensity ng pag-arte niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sinabi ko nga, nag-iisa ang mata ni Andi sa mga kalipunan ng mga aktres natin.

“Yung hinahanap ko na mata ng isang artista, nasa kanya.

“Di na niya kailangang umarte pa, mata lang niya ang gumana, yun na.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN