PEP EXCLUSIVE. Vina Morales too happy with boyfriend Marc Lambert to worry about intrigues: "Dini-deadma ko na lang. "

Vina Morales is building a house. Is that part of a more permanent plan with Marc Lambert? “Yung settling down, hindi ko masabi 'yan," she says. “I really don’t know if that’s gonna happen soon, let’s see. Ayoko namang magsalita nang tapos."


Sa kalagitnaan ng isyu sa pagitan nina Vina Morales at ng dating TV host-model na si Avi Siwa, pinuri ng Kapamilya actress ang kanyang French boyfriend na si Marc Lambert.

Sumulpot ang isyu ng dalawa dahil ex-boyfriend ni Avi si Marc at ama rin ng baby girl nito.

Read: PEP EXCLUSIVE. Avi Siwa accuses Vina Morales of preventing French ex-boyfriend to visit their baby

Ayaw nang magsalita ni Vina tungkol sa isyu sa kanila ni Avi.

Sinabi naman niyang kahit may mga ganitong isyu, kuntento siya sa estado ng love life niya, “I’m very happy.”

Paglalarawan niya sa mga katangian ni Marc, “He’s very sweet, he’s very gentlemanly, he’s really a good guy.

“He loves Ceana [Vina's daughter], he makes sure that he’s there for Ceana.

“And napakabuting tao…and they are getting along,” na ang kanyang tinutukoy ay ang samahan ng anak at ni Marc.

Saad pa niya, “Kaya nga magaan at wala kaming… kung ang pag-uusapan sa aming dalawa, wala naman talagang problema.

“We’re very happy.”

Exclusive na nakapanayam si Vina ng PEP. ph (Philippine Entertainment Portal) sa nakaraang Star Awards for Music 2015 na ginanap sa Kia Theater, Araneta Center, noong Martes, November 10, kunsaan isa siya sa mga performers.

HE’S WORTH IT. Aminado si Vina na hindi madali magkaroon ng relasyon sa katulad niyang celebrity.

Aniya, “In any relationship, meron naman talagang maninira, may gustong sirain ang magandang relasyon.

“Pero ako kasi, sa tagal ko na sa business na ito, magsi-celebrate na nga ako ng thirty years.

“Can you imagine, next year na?

“Wala akong nakaaway na tao. Kung may intrigang dumarating sa buhay ko, dini-deadma ko na lang.

“Hindi ko sinasagot kung hindi naman kailangan. I’d rather keep my silence.

“Lahat naman yata goes through that, yung iniintriga ang love life mo.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Worth bang ipaglaban ang pagmamahalan nila ni Marc?

Mabilis na tumugon ang Kapamilya star, “Of course, for sure, definitely. He’s a good guy.”

Ipinaliwanag din ni Vina kung bakit hindi niya itinago ang identity ng kanyang non-showbiz boyfriend.

Rason niya, “Bakit ko naman itatago? And it's been seven years na single ako.

“Kung itatago ko man, kayo rin naman, iintrigahin ninyo ako. So saan ako lulugar?

“So mas mabuting maging honest ka, open ka. Wala namang masama doon.

“At least, he’s very much single and I’m single.

“He’s a single parent. I’m a single parent. There’s nothing wrong with that.”

Tungkol naman sa posibilidad ng kasalan, kinilig ang aktres sabay sabing, “Naku naman, napaka-aga naman niyan.

“Diyos ko Lord, ibabalita ko na lang sa inyo.”

A SIBLING FOR CEANA? Inamin ni Vina na naglalambing na raw ng kapatid ang kanyang magpipitong-taong gulang na anak sa susunod na taon.

Kuwento ng aktres, “Si Ceana nakakatuwa, kasi nagpi-pray kami, malakas yung prayers namin.

“Naririnig ko yung prayers niya even sa… minsan nagsusulat siya sa Padre Pio [Church] ng baby sister and a baby brother.

“Sabi niya, ‘I want a daddy.’

“So pinagpi-pray namin yun at sana matupad.”

Wala pang bagong project si Vina at ang pagbabalik sa paggawa ng album ang nais niyang pagtuunan ng pansin, pati na ang malaking anniversary concert niya next year.

Nag-i-enjoy naman daw siya dahil nagkaka-bonding sila ng kanyang anak.

Saad ng aktres, “Ngayong kakatapos lang ng soap opera ko [Nasaan Ka Nang Kailangan Kita], hindi ako nagti-taping almost everyday.

“Bumabawi ako, sinusundo ko siya school, I spend quality time with her.

“Basta, I always make sure na meron kaming mommy time together.

"'Tsaka yung mga events niya sa school, palagi akong nandiyan parati.”

OWN HOUSE. Isa rin sa mga pinagkakaabalahan ngayon ni Vina ay ang pagpapatayo ng sarili niyang bahay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kuwento pa niya, “Oo, finally, naumpisahan na, next year matatapos yun, inu-unti ko.

“Next year finishing na, maraming gastos, so kailangang magtrabaho na talaga, double work tayo.

“Matagal naman na akong nagsarili, especially when I had Ceana.

“Now kasi, I’m living with Shaina [her sister Shaina Magdayao]. Iisang bahay kami ngayon for almost two years already.

“So magsasarili na ako, siya magsasarili na rin.

“Meron siyang kinuha na sarili niya, kaya I’m really happy for her dahil nag-i-invest rin siya sa real state.”

Itinanggi ni Vina na preparasyon sa pagsasama nila ni Marc ang pagpapatayo niya ng sariling bahay.

Pagklaro niya, “No, this has been my plan, hindi lang matuluy-tuloy. Ang hirap ring magpagawa ng bahay.

“Yung bahay before, di ba, nandun yung daddy ko, lola ko, nandun sila.

“So kailangan ko namang gumawa para sa sarili ko at sa anak ko.

“Yung settling down, hindi ko masabi 'yan.

“I really don’t know if that’s gonna happen soon. Let’s see.

“Ayoko namang magsalita nang tapos. I’ve been single for seven years, kaya ko namang mag-isa.

“Pero ngayon naman, pasalamat ako na maganda naman ang love life ko.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN