Juancho Triviño on not bagging male lead role in Little Nanay: "There are no small roles, only small actors."

Juancho Triviño on former InstaDad co-star Ash Ortega: "Well, siyempre si Ash naman, very pretty and very bubbly. Siyempre, bilang lalaki, palaging nakakasama ko siya. Nakaka-eksena at may mga scenes na intimate kami, siyempre, nagkaroon ng interaction."

 


Matagal nang tapos ang GMA-7 teleseryeng InstaDad na pinagsamahan nina Juancho Triviño at Ash Ortega.

Pero kung kailan ito matagal nang tapos, ngayon naman sila nababalitang nagkakamabutihan daw.

Sila na ba?

Sagot niya, "Hindi, kasi lumalabas kami.

"Lumalabas kami, may mga time na nagkakataon lang.

''Pero during the show, parang nag-effort talaga ako to get to know her better.

"I think kasi, mas magandang tingnan sa screen na okey kami."

Nagkagusto ba siya noon kay Ash?

Dagdag niya, "Well, siyempre si Ash naman, very pretty and very bubbly.

''Siyempre, bilang lalaki, palaging nakakasama ko siya.

''Nakaka-eksena at may mga scenes na intimate kami, siyempre, nagkaroon ng interaction."

Niligawan niya?

"Hindi naman nanligaw, pero nagkaroon ng parang ganun. Siguro you can call it that, pero friends kami."

 

 

HAPPY WORKING WITH VETERAN STARS. Malaking bagay para kay Juancho na maging parte ng bagong primetime series na Little Nanay, na magsisimula nang mapanood ngayong Lunes, November 16, pagkatapos ng Marimar.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Juancho sa grand presscon ng Little Nanay sa Studio 6 ng GMA-7 noong November 10.

Ang nagpasaya raw kay Juancho sa pagsali niya sa Little Nanay ay ang pagkatataong makasama ang mga beterano at respetadong aktor.

Sabi niya, "Siyempre kasama po si Ms. Nora Aunor. Yung cast po kasi, star-studded. Kaya I'm very happy working with them.

"Ms. Nora Aunor, Mr. Eddie Garcia, Mr. Bembol Roco, di ba?

''Kahit sinong actor na makakausap mo ngayon na malalagay sa sitwasyon ko, gusto nilang makasama sa show na ganito, ma-e-excite nang sobra."

Bukod pa raw sa pagkakataong makasama niya ang mga batikang artista, may comedy rin sa tema ng bagong serye na ito.

Dagdag niya, "Nasa Bubble Gang ako, may grasp ako ng comedy ngayon kaya very at home ako sa ginagawa ko with Little Nanay."

Kapatid ni Kris Bernal ang karakter na ginagampanan ni Juancho. Ang kuwento naman daw kasi ng Little Nanay ay iikot halos sa pamilya kunsaan, lola naman niya rito ang Superstar.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Iikot sa family, pero magkakaroon din kami ng mga sariling moment namin," patuloy ni Juancho.

 

 

WORKING WITH SUPERSTAR. Ilang linggo na rin daw silang nakakapag-taping at nakakailang beses na ring kasama sa mismong eksena niya si Nora.

Inamin ni Juancho na sobrang nai-intimidate raw siya rito.

"Nai-intimidate, sobra!"

"Noong storycon pa lang, nag-effort talaga 'ko to reach out to her, kausapin siya para magkaroon kami ng kahit paano, closeness.

''Para hindi magkaroon ng awkwardness sa ginagawa namin.

"Ngayon, hindi na ako masyadong naiilang. Very welcoming siya sa amin, nakikipag-usap siya sa amin nang sobra," kuwento niya.

Malaki raw ang pasasalamat ni Juancho na kahit baguhan pa lang siya, nagkaroon na siya ng pagkakataong makasama ang mahuhusay na aktor na pinapangarap pa ring makatrabaho ng iba hanggang ngayon.

Kuwento pa ni Juancho, "Actually, nag-Wish Ko Lang taping ako.

''Yung last two ko, ginawa ko with Tito Ipe [Phillip Salvador], 'tapos yung isa pa, with Christopher de Leon.

"So I am very happy kasi naapruban, sa mga nagka-casting na makasama ako, to be working with these professionals. Best of the best."

 

 

ENJOYING COMEDY ROLES. Halatang nag-eenjoy si Juancho sa Bubble Gang at may segment pa siya na ginagaya niya si Alden Richards.

May halong comedy naman ang Little Nanay.

Mas gusto ba niyang makikala bilang komedyante?

Sagot ni Juancho, "I want to be known as a versatile actor talaga. Kahit anong pagawa ng GMA as long as yun ang gusto nila for me, I will do it, yun lang yun.

"Pero hindi ko masyadong iniisip. Siyempre, GMA knows what's best for me. My manager knows what's best for me.

''Hindi ko siya masyadong iniisip pero siyempre, nagkakaroon ako ng thoughts minsan.

"Nabibigyan pa rin ako ng blessing sa comedy. Nabibigyan ako ng pagkakataong magpatawa. I'm very happy naman."

 

 

''NO SMALL ROLES.'' Hindi ba niya naisip na sana, siya na lang ang naging leading man ni Kris na ginagampanan naman ni Hiro Peralta ngayon?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paliwanag niya, "You know what, kahit sinong actor naman, iwi-wish na sana mas mapansin, mas magkaroon ng bigger role.

"Pero may nagsabi nga sa akin na there are no small roles, only small actors.

''I believe naman, kahit anong role namin, basta ginampanan namin nang maayos, mapapansin at mapapansin din kami.

"At saka, first primetime ko ito."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN