PEP EXCLUSIVE. Andi Eigenmann breaks down over nagging paternity issues involving Albie Casiño: “Para sa anak ko, doon ako nasasaktan.”

Andi Eigenmann wants to put an end to paternity issues involving Albie Casiño: “This will be the last time that I’m gonna talk about it and I hope that they would too. Because lumalaki na ang anak ko, ang sakit noon. Ang sakit talaga, kasi, it’s not like I call him for anything, so bakit kailangan, di ba? Bakit kailangan pa nilang pag-usapan pa, di ba?”


Hindi napigilang maiyak ni Andi Eigenmann matapos marinig ang pahayag na galing umano sa kampo ni Albie Casiño tungkol sa resulta ng DNA paternity testing na anak ng aktres.

Tapos na ang Q&A sa presscon ng Angela Markado na ginanap sa Shangri-La Finest Chinese Cuisine, West Avenue, Quezon City, noong Huwebes, November 12, pero shocked pa rin daw si Andi sa mga narinig.

“Sorry, hindi ako maka-get over sa Albie questions, as in,” paumanhin ni Andi.

Prior to this interview, inulan ng tanong si Andi ng entertainment press tungkol sa balitang hindi raw nag-match ang DNA ni Albie sa anak ng aktres.

Sa DNA test nalalaman kung mag-ama o mag-ina ang dalawang tao matapos ikumpara kung pareho ang kani-kanilang hereditary material.

Isinasagawa ito sa pamamagitan ng pagkuha ng sample ng balat, dugo, buhok, body fluids, at iba pang bahagi ng katawan ng sinasabing mag-ama o mag-ina.

Matatandaang itinanggi ni Albie na siya ang ama ng bata.

READ: Albie Casiño on paternity issue: “If there’s one constant, Jake’s always there.”

Pero sa presscon ng On the Wings of Love, iniwasan ni Albie na sumagot sa tanong ng press tungkol sa resulta ng DNA test kay Ellie.

Sa pagpapatuloy ni Andi, “Ngayon ko lang, ngayon ko lang kasi talaga nalaman. Hindi ko alam na pinag-uusapan pa.

“Hindi po kasi ako masyadong nakakanood ng TV. Sobrang sakit,” sabi pa niya, habang gumagaralgal ang boses.

Ano na ang plano ni Andi?

Sagot niya, “Yun nga po ang sinabi ko kanina, sorry naiyak ako.

“This will be the last time that I’m gonna talk about it, and I hope that they would too.

"Because lumalaki na ang anak ko, ang sakit noon.

“Ang sakit talaga kasi it’s not like I call him for anything, so bakit kailangan, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Bakit kailangan pa nilang pag-usapan pa, di ba?

“Hindi ko alam talaga. Hindi ako nanonood ng news. Hindi ako nanonood ng balita, ng tsismis.

"So, hindi ko alam."

FOR THE LOVE OF HER DAUGHTER. Naiyak daw si Andi para sa kanyang anak.

“Oo, wala akong pakialam sa sarili ko.

“Kahit anong sabihin ninyo sa akin, kahit ang sama ng tingin sa akin dahil doon sa dating na hindi kilala ng mga tao yung tunay na tatay ng anak ko.

“Pero para sa anak ko, doon ako nasasaktan,” kasabay ang pagtulo ng luha sa kanyang mga mata.

May balak ba siyang kausapin si Albie?

“Parang ayaw ko na lang siya kausapin kung hindi niya ako kayang kausapin nang diretso.

“Kung hindi niya ako kayang kausapin nang diretso, what’s the point of asking him anything nang diretso?

“Pero kung lumapit siya siyempre, mas gugustuhin ko naman siyang kausapin na parang, ‘Albie, it will be easier if we just talk about it, di ba?'

“Ngayon lang nagsi-sink in lahat ng questions kanina.

“As in, na-shock talaga ako. Litung-lito ako sa nangyari now.

“Palalakasin ko na lang ang loob ko. Kawawa naman ang baby ko.”

May plano ba siyang idemanda si Albie para tumigil na sa pagsasalita tungkol sa paternity issue?

“Can I do that? Di ba, parang wala bang interesting sa buhay niya bukod sa kami?”

Aware ba siya na may kumakalat na balitang alam na umano ng ina ni Albie kung sino ang tunay na ama ng anak ni Andi?

“Oo nga,” namumulang sabi ni Andi.

“Kaya nga walang nagsasabing, 'Ikaw, so bakit alam mo yun?'

“Alam mo yung naka-YouTube, ‘Alam ko na hindi ako ang tatay.’

“Oo nga, hindi nga ikaw. Bakit mo sinasabi?”

What if magkita sila ni Albie one of these days, ano ang gagawin niya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Wala,” sabi ni Andi.

“Titingnan, as in, ‘Hindi kita kilalala.’ Bahala ka na.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN