Alden Richards, Maine Mendoza get cozy via newspaper dance

Maine Mendoza on matching white sneakers with Alden Richards: "Hindi ulit kami na-orient! Ang galing!"


Kapansin-pansin na mas nagiging malapit sa isa't isa sina Alden Richards at Maine Mendoza (a.k.a. Yaya Dub).

Base ito sa #AldubHappyBdayLola episode ng Eat Bulaga! "Kalyserye," kung saan nanalo sina Alden at Maine sa newspaper dance ngayong Sabado, November 14.

Dito ay hindi maiwasang pisikal na maglapit sina Alden at Maine, habang nagiging mas maliit ang pagkakatiklop ng diyaryo na inaapakan nila.

Kaya naman naparami ang pagyakap nila sa isa't isa, at pagbuhat ni Alden kay Maine.

Tulad na lamang ng pagpasan ni Alden kay Maine sa likod o piggyback style.

At para sa kanilang winning strategy, tinanggal ni Alden ang kanyang suot na sneakers at saka binuhat si Maine sa paraan na madalas nakikita sa mga bagong kasal.


MATCHING SHOES AGAIN. Makikitang parehong nag-enjoy sina Alden at Yaya Dub na todo ang energy level habang ipinagdiriwang ang birthday ni Lola Nidora (Wally Bayola).

Kapansin-pansin din na parehong nakasuot ng pulang damit sina Alden at Maine sa naturang okasyon.

At sa isang punto ng Kalyeserye segment, bahagyang nawala sa pagiging in character sina Maine at Alden nang mapansin ng Dubsmash Queen na terno ang suot nilang white sneakers.

“Ay, pareho rin tayo ng sapatos. Ang galing! Hindi ulit kami na-orient,” Maine.

Bagay na sinang-ayunan ni Alden, “Hindi kami na-orient!

Hindi lingid sa kaalaman ng AlDub fans na madalas na hindi sinasadyang magkaterno ng sapatos ang dalawa.

ALDEN'S KILIG PICK-UP LINE. Kinakiligan din nang husto ang eksena kung saan ipinakilala ni Yaya Dub si Alden sa kanyang “Ninang Helen” na ginampanan ni Helen Gamboa.

Yaya Dub: “Ninang Helen, si Alden nga po pala, kaibigan ko po.”

Helen: “Talaga bang magkaibigan [lang] kayo?”

Yaya Dub: "Magkaibigan lang po kami."

Alden: “Huwag po kayo mag-alala. Malay ninyo po, pagdating ng Pasko, puwede ko na rin po kayong tawaging Ninang.”

Bukod kay Helen, kasama rin sa special guests ni Lola Nidora sina Ai-Ai delas Alas bilang Lola Babah (recurring role) at Eddie Garcia bilang Lolo Eduardo Rockefeller.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sina Lola Babah at Lolo Eduardo ay magkapatid at lola't lolo ni Alden.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN