It's Showtime hosts hail Pinoy dance group's victory in prestigious Swiss global dance competition

Pinoy hip-hop dance group XB Gensan won first place in the recently-concluded 2015 "Dance2Dance: World Streetdance Showcase Competition" in Zurich, Switzerland, where it bested 10 dance groups from around the world. The United States placed second while Russia ranked third.


Proud na proud ang It’s Showtime hosts na sina Anne Curtis, Vhong Navarro, Billy Crawford at Coleen Garcia sa karangalang ibinigay ng hip-hop dance group na XB Gensan sa bansa.

Napanalunan ng XB Gensan ang first prize sa "Dance2Dance: The World Streetdance Showcase Competition" na ginanap sa Zurich, Switzerland kahapon ng gabi, November 15.

Unang nakilala ang grupo nang mag-champion ito sa first edition ng talent contest ng noontime show na It’s Showtime.

Sabi ni Anne sa kanyang Instagram post, “To Showtime's pride, XB GenSan congratulations for being the champions at the Dance2Dance competition in Switzerland! We are so proud of you!

“Nothing is impossible when you put God in the center of all your battles... just as you boys did. Saludo ako as inyo!!!!! MABUHAY KAYO XB GEN SAN!!!!! #pinoypride”

Hayag naman ni Coleen, “Sa kabila ng lahat ng malulungkot na balita sa iba't ibang panig ng mundo, mayroon pa rin tayong dahilan para ngumiti ngayong araw na 'to.

“CONGRATULATIONS to #itsshowtime's very own #XBGenSan on representing The Philippines and winning FIRST PLACE in the Dance2Dance competition in Switzerland! #XBGensanChampion."

Hindi rin napigilan nina Vhong at Billy ang kanilang saya nang malaman nilang nagwagi ang XB Gensan.

Saad ni Vhong sa kanyang caption, “CONGRATULATIONS to #itsshowtime's very own #XBGenSan on representing The Philippines and winning FIRST PLACE in the Dance2Dance competition in Switzerland!”

“Isa na namang karangalan sa'ting mga Pinoy. Congratulations, XB GENSAN for being the NEW CHAMPION of the world dance competition, Dance2Dance held in Switzerland!

“Nakaka proud talaga kayo! Godbless! #Champion #XbGensanWINNER #ItsShowtime”

Nag-post din si Billy ng kanyang mensahe para sa grupo.

Congratulations to one of the sickest dance crews #XBGensan 2015 Dance2Dance Switzerland champion. Proud of you all!

A photo posted by Billy Crawford (@billyjoecrawford) on

Napili ang XB Gensan mula sa higit na isang daang Filipino dance groups na nag-audition para maging kinatawan ng Pilipinas sa nasabing dance competition.

Tinalo nito ang sampung dance groups ng iba’t ibang bansa tulad ng United States na naging second placer at Russia na nanalo ng third prize.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

GRATEFUL FOR SUPPORT. Nagpasalamat sa kanilang Facebook page ang XB Gensan sa mga walang sawang sumuporta sa kanila.

“Magandang Umaga PILIPINAS!!! PROUD TO BE PILIPINO!! PROUD GENERALS!! SALAMAT sa lahat ng mga nag pray at walang sawang sumuporta!

“We all love you guys! Salamat sa Showtime Family at sa mga nagmamahal sa amin lalo na sa aming pamilya. TO GOD BE THE GLORY.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN