Senatoriable Alma Moreno ANC interview with Karen Davila goes viral; believes same-sex marriage is a sin

Nagisa nang husto si Alma Moreno nang sumalang ito sa panayam kay Karen Davila noong Miyerkules, November 11, sa Headstart ng ANC. Maraming katanungan ang TV host sa dating aktres, na ngayon ay tumatakbong senador, na hindi nito nabigyan ng malinaw na kasagutan. Sa sunud-sunod na tanong ni Karen tungkol sa reproductive health bill, biglang nagsabi si Alma na, “Kailangan pa bang sagutin yun?”


Viral na ngayon sa Internet ang panayam ni Karen Davila sa United Nationalist Alliance (UNA) senatoriable na si Alma Moreno sa programa nitong Headstart sa ANC noong November 11, 2015.

Tila nasukol kasi si Alma sa mga pag-uusisa ni Karen sa kanya kung ano ba ang mga panukalang gagawin niya sa Senado kung sakaling manalo.

Si Alma ay tumatakbong senador sa 2016 elections sa ilalim ng tiket nina Vice President Binay at Senator Gringo Honasan.

Tungkol sa isyu ng same-sex marriage, sagot ni Alma, “No. Parang hindi naman natin matanggap na parehong ano magpapakasal.”

Tanong ni Karen: "Is it a sin for you?"

Sabi ni Alma, “Yes. Sa akin, ha, yung magpapakasal.

"Pero yung mag-ano, okay lang. Pero yung magpapakasal, parang hindi ko…”

Tanong ulit ni Karen: "So, you think same-sex marriage is a sin?"

“Yes,” diretsong sagot ni Alma.

Isa pang tanong ni Karen: "If you won a Senate seat, what would be your advocacy in the Senate?"

Sagot ni Alma, “More on sa kababaihan… Boses ng kababaihan... Magna Carta of Women..."

Sabat ng TV host: "But then the law exists already."

Sagot naman ni Alma: "Pero may mga bagay na di na-implement…”

Tanong ulit ni Karen: “Like what? I wanna hear it.”

Susog ni Alma, “Teka muna... Katulad nun, di ba, may mga na-rape na mga bata, wala pa tayo nung law na ganun, e.

"Na puwedeng… puwedeng, what’s this... na mahirap, na walang magwi-witness dun sa batang yun…

"Na puwedeng ang government ang tumulong dun sa batang yun para magdemanda."

Sabi ni Karen, mayroon naman na tayong Public Attorney’s Office (PAO).

Tanong pa ni Karen kay Alma kung pabor ba siya sa Reproductive Health Bill.

Sagot ni Alma, “Yes, but with reservations.”

Tinanong ni Karen kung ano yung kanyang reservations.

Natatawang sagot ni Alma, "Kailangan pa bang sagutin?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Karen, "Of course. You are running for the Senate."

Biro naman ni Alma, kung paano ma-control ang paglobo ng populasyon, kailangan lang daw lagi bukas ang ilaw.

ANTI-DYNASTY BILL. Sa puntong ito ay marami pang tanong si Karen kay Alma.

Ilan sa mga ito ay ang anti-dynasty bill, kung saan sabi ng dating aktres, wala naman problema basta namuno ang mga ito nang maayos sa kani-kanilang mga lugar.

Reporma naman ang nais niya sa income tax issues.

Isa pang tanong ni Karen, kung naniniwala ba siya sa alegasyon ng katiwalian laban kay Vice President Jejomar Binay.

Sagot ni Alma, “Hindi. Hindi, kasi hindi pa naman napapatunayan sa husgado. Puro allegations pa naman, kumbaga wala pa.”

Hayaan na daw muna ang husgado na magdetermina ng katotohanan sa mga bintang ng katiwalian.

Umani ng maraming pangungutya sa social media ang panayam na ito kay Alma.

Narito ang kabuuang panayam ni Karen kay Alma.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN