Albie Casiño refutes Andi Eigenmann's claim about using paternity issue in his interviews

Albie Casiño prefers non-showbiz girl for his next girlfriend: “Ayoko ng taga-showbiz kasi masyado nang maraming intriga sa buhay ko kahit wala akong girlfriend. Kung ang girlfriend ko ay taga-showbiz din, e, di mas lalong dadami, di ba?”


Kinontra ni Albie Casiño ang naging pahayag ng ex-girlfriend niyang si Andi Eigenmann na panay ang pa-interview niya para pabulaanan na siya ang ama ng anak ng aktres at gamitin ang isyu para mapag-usapan.

Read: Andi Eigenmann on Albie Casiño: “I don’t know why he always keeps talking about an issue he’s not a part of.”

Sabi ni Albie, “Kailan ba ako nagpa-interview tungkol dun?

“Never naman akong nagpa-interview tungkol dun.

“Lagi lang naman akong tahimik, e, so I don’t know what she’s saying na ginagamit ko yun.

“Never kong ginamit yun, I always kept my mouth shut.

“Wala akong sinabi, I never said anything. I always kept my mouth shut.

“I don’t know what she’s talking about.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News si Albie sa studio ng ASAP XX kahapon, November 15.

DNA TEST. Sa isyu naman na hiniling daw niya at ng kanyang pamilya na ipa-DNA test ang anak ni Andi, hindi ito kinumpirma ni Albie.

Pero aniya, “Kasi sinasabi nila anak ko, bakit hindi ako hihingi ng DNA kung sinasabi nilang anak ko yun, di ba?”

Diin pa ni Albie, matagal na raw niyang alam na hindi siya ang tunay na ama ng anak ni Andi.

"Matagal ko nang alam yun," sambit niya.

Ano naman ang reaksiyon ni Abie sa sinabi ni Andi na si Jake Ejercito ang tumayong ama ng kanyang anak?

Read: Andi Eigenmann says Jake Ejercito is the "father" of her daughter


“It’s none of my business,” sambit ng On The Wings of Love actor.

Sa gitna ng isyung ito, buo raw ang suportang natatanggap ni Albie mula sa kanyang pamilya.

“Typical support of any parent. Anything na kaya nilang ibigay sa akin, ibinibigay naman nila sa akin.”

NON-SHOWBIZ GIRLFRIEND. Sa ngayon ay walang girlfriend si Albie dahil sa sobrang hectic ng schedule nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, “No, I have no time, e, I’m super busy lang.

“Right now, this sem, oo. Pero I might stop for a while kasi I’m gonna start shooting a film also.”

Ayon kay Albie, non-showbiz girl ang gusto niyang sunod na magiging kasintahan para iwas-isyu na rin.

“Gusto ko talaga non-showbiz, e, ayoko talaga ng taga-show business.

“Pero right now, I don’t think kaya kong magka-girlfriend.

"Unfair din sa kanya, wala akong time, e."

Dagdag niya, “Ayoko ng taga-showbiz kasi masyado nang maraming intriga sa buhay ko kahit wala akong girlfriend.

“Kung ang girlfriend ko ay taga-showbiz din, e, di mas lalong dadami, di ba?”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN