Maja Salvador on her Majasty concert: “Yes di ko napuno ang MOA. Pero nung isang gabi PUNONG PUNO ng pagmamahal ang MOA.”

Kahit sinasabing nilangaw ang kanyang konsiyerto, labis-labis pa rin ang pasasalamat ni Maja Salvador dahil nabigyang katuparan ang isa sa kanyang pangarap sa buhay—ang makapag-perform ng tulad nina Jennifer Lopez at Beyonce. Sabi ng actress-singer-dancer, “Dream ko lang maging J.Lo o Beyonce ng kahit isang araw lang. Natupad lahat yun.”


Hindi nabenta masyado ang concert ni Maja Salvador na Majasty sa MOA Arena noong Biyernes, November 13.

Hindi napuno ang venue, kaya pinababa na lang ang mga tao na nakapuwesto sa bleacher.

Pero hindi ito nakapagpatinag kay Maja upang ibigay nang todo ang kanyang performance.

Itinuturing pa niya itong “the best night of my life.”

Kahapon, Linggo, November 15, dalawang araw makalipas ang kanyang first major concert, sunud-sunod ang posts ni Maja sa kanyang Instagram account.

Ayon sa 27-year-old Kapamilya star, “The best night of my life...
dream ko lang mag perform nuon.

“Dream ko lang maging JLo o Beyonce ng kahit isang araw lang.
Natupad lahat yun.

“Pero ang pinaka the best ay yung tinanggap ko na never akong magiging si JLo o kaya si Beyonce kaya naman masaya ako nung ibinigay ko kung anong kayang ibigay ni MAJA.”

Pero kahit hindi niya napuno ang MOA Arena, punung-puno naman daw ng pagmamahal nung gabi ng kanyang concert.

Sabi pa ng Ang Probinsyano actress, “Yes di ko napuno ang MOA. Pero nung isang gabi PUNONG PUNO ng pagmamahal ang MOA.

“Bawat labas ko di kayo nagsasawang maghiyawan at magpalakpakan. salamat sa lahat ng nanuod. Salamat sa pagmamahal niyo.

“Salamat Sa Fans sa Friends at sa aking Pamilya. Masaya akong pinagbigyan niyo akong matupad ang pangarap ko. #MAJASTYŸ‘‘ #BELIEVE

 

THANKFUL MAJA. Matapos nito, inisa-isa namang pinasalamatan ni Maja ang lahat ng kanyang naging guests sa concert.

Kabilang sa mga naging panuhin ni Maja sina Enchong Dee, JC de Vera, Rayver Cruz, Paulo Avelino, Kakai Bautista, at Piolo Pascual.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN