OTWOL newcomer Ysabel Ortega has no ill feeling towards dad Sen. Lito Lapid

Newcomer Ysabel Ortega says she has no ill feelings towards dad Sen. Lito Lapid: “Hindi po ako magtatampo sa daddy ko, kasi siyempre daddy ko pa rin po siya at the end of the day. Mahal na mahal ko po ang daddy ko and I will always be there for him.”


Isang taon na raw hindi nakikita ng newcomer na si Ysabel Ortega ang kanyang ama na si Senator Lito Lapid.

Si Ysabel ay anak ng actor-politician sa comebacking singer na si Michelle Ortega, na dati ring member ng defunct youth-oriented show na That’s Entertainment.

Si Ysabel ang pinakabagong dagdag sa cast ng hit ABS-CBN primetime series na On The Wings of Love, kung saan gumaganap siya bilang ka-love triangle ng mga bidang sina James Reid at Nadine Lustre.

Sabi ni Ysabel tungkol sa kanyang ama, “Actually po, matagal na po kaming hindi nagkikita, mga isang taon na po.

“Kapag kinu-contact ko po daddy ko, sa secretary.”

Sa secretary pa, hindi puwedeng direkta?

“Wala po akong number ni Papa,” matipid na sagot ng 16-year-old newcomer.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Pottal) at iba pang reporters si Ysabel sa pocket presscon na ginanap sa Baang Coffee sa Tomas Morato, Quezon City last Nov. 14.

Kasama rin dito ang dalawa pang talents ni Ogie Diaz na sina Anjo Damiles at Dyosa Pockoh.

 

FINANCIAL SUPPORT. Sino ang nagpapaaral sa kanya?

“Now po, mommy ko na ang nagbabayad, since last year po. Dati po daddy ko.”

Wala bang suporta sa kanya ang ama?

Sagot ng dalagita, “Hindi po... siyempre po sinusuportahan naman po ako ni Daddy.

“Allowance po, monthly po.”

Hindi ba ito pumapalya?

“Hindi po.”

Hindi ba siya nagtatampo sa daddy niya?

Sagot ni Ysabel, “Hindi po ako magtatampo sa daddy ko, kasi siyempre daddy ko pa rin po siya at the end of the day.

“Mahal na mahal ko po ang daddy ko and I will always be there for him.”

MISSING HER DAD. Gaano niya nami-miss ang kanyang ama?

“Sobra po, sobra po siyempre po,” sambit ni Ysabel.

Paano kung bigla siyang tawagan nito, ano ang mararamdaman niya?

“Miss ko na po siya,” naluluhang sabi ni Ysabel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sorry po, sorry po…” wika pa niya sa mga kaharap na press dahil sa kanyang pag-iyak.

Bakit siya napaiyak?

“Ganoon ko po ka-miss ang daddy ko, siyempre po daddy ko po iyon, e.”

Hindi ba nagtatanong si Ysabel sa kanyang ina tungkol sa sitwasyon nilang ito?

Tugon niya, “Hindi naman po, kasi dati pa naman po ay alam ko na ang situation namin.

“Naiintindihan ko na po, bata pa lang ako, mga four years old pa lang ako noon.”

Wish ba niyang makita ang ama this Christmas?

“Siyempre naman po, wish ko iyon.

“Kahit sa birthday ko this January, iyon din ang wish ko.

“Na sana ay makita ko ang daddy ko,” may himig ng lungkot na pahayag pa Ysabel.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN