Regine Velasquez on absence in GMA Christmas station ID: "I don't mind. It's not an issue."

Regine Velasquez on her non-appearance in GMA Network's Christmas station ID: “Unfortunately, lahat ng schedule nila ng shoot, hindi talaga ako puwede... Anong gagawin ko, hindi rin naman nila fault."


Nilinaw ni Regine Velasquez na conflict of schedule ang dahilan kung bakit hindi siya nakasama sa Christmas station ID ng GMA Network ngayong 2015.

Ito ay matapos almahan ng ilang fans ang pagkawala ng Asia’s Songbird sa naturang station ID.

Tampok dito ang Christmas song na “MaGMAhalan Tayo Ngayong Pasko” na inawit ni Alden Richards.

Paliwanag ni Regine, “Palagi naman akong kasali sa mga ganun.

“Kaya lang, unfortunately, hindi [ako nakasama] kasi, mga kapatid, busy ako.

“Meron akong show. Ano'ng gagawin ko? Rumaraket ako.”

Nakapanayam si Regine sa pocket presscon para sa kanyang concert series, ang Regine at The Theater, na nakatakdang ganapin muli sa Solaire Resort and Casino sa November 20 at 21.

Ginanap ang solo presscon ni Regine sa Luxent Hotel ngayong Lunes, November 16.

Ayon pa kay Regine, dalawang slots ang nakalaan sa kanya sa GMA Christmas station ID, para sa kanyang shows na StarStruck 6 at Sarap Diva.

“Unfortunately, lahat ng schedule nila ng shoot, hindi talaga ako puwede.

“Kasi ganun yun, e. May schedule sila tapos papupuntahin nila lahat yung artista.

“Kaya nga, di ba, parang ang konti [ng artista]?

“Kasi, I’m sure, yung iba may schedule.”

NOT GMA'S FAULT. Aminado si Regine na may pagkukulang din siya kung bakit hindi siya nakasama sa Christmas station ID ng GMA.

“Ano'ng gagawin ko, hindi rin naman nila fault?

“Kumbaga, part of the [fault] is mine because I also didn’t want to…

“Kung meron na akong naka-schedule na family event, hindi ko naman puwede sabihin sa family ko na, ‘Ay, meron akong shoot.’

“Dapat hindi nangyayari yun.”

Sa huli, nakiusap si Regine sa kanyang solid fans na huwag nang gawan ng isyu ang pagkawala niya sa Christmas station ID ng GMA.

Ang totoo ay masuwerte pa raw siya dahil pinayagan siya ng kanyang home network na hindi dumalo sa kanilang annual Christmas station ID shoot.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Giit ni Regine, “I don’t mind. It’s not an issue.

“Huwag na sila [fans] umisyu. Kasi non-issue sa akin.

“Huwag ganun kasi nakakahiya rin naman sa GMA, kasi siyempre ang lumalabas tuloy, parang hina-hound sila…

“Parang [ang lumalabas], inutusan ko yung mga fans. Huwag naman

“It’s also not their fault. Hindi lang talaga nagtutugma yung schedule.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN