Ysabel Ortega admits getting bashed by JaDine fans for her role in OTWOL

Ysabel Ortega on being part of On The Wings of Love: “Napaka-grateful po talaga ako na mabigyan ng chance na ganito, na maging part ng OTWOL. Biggest blessing po talaga ang pagkakasali ko sa OTWOL, napaka po. It changed my life po talaga. Parang yun yung what made my dreams come true talaga, na ngayon ay nandito na ho ako.”


Aminado ang newcomer na si Ysabel Ortega na nakakatikim siya ng matinding pamba-bash mula sa fans nina James Reid at Nadine Lustre dahil sa pagiging third party niya sa kanilang teleserye na On The Wings of Love (OTWOL).

Sabi ng newcomer, “Noong una po, wala pa pong masyadong nakaka-gets na ako po yung ka-love triangle. Kasi po, it's just one scene.

“Tapos ayun po, noong bumalik ako, talagang, ‘Oh, my God, nandiyan na siya, nandiyan na yung love triangle! Ialis na ‘yan sa On The Wings of Love, hindi na ‘yan kailangan!’

“Sinasabihan po ako ng iba na, ‘Hoy, malandi ka! Umalis ka diyan sa OTWOL, huwag mong landiin si Clark! Leah lang forever! Aabangan ka namin sa labas!’

“Mga ganoon po… siyempre po yung character lang naman po yung bina-bash nila.”

Sina Clark at Leah ang mga karakter na ginagampanan nina James at Nadine sa OTWOL.

Ayon kay Ysabel, naiintindihan naman niya ang fans nina James at Nadine.

“Iyong iba po medyo below the belt yung mga bash, pero naiintindihan ko naman po.

“Kasi, yun naman talaga po ang part ng role ko na talagang mag-cause ng conflict at talagang galit yung mga audience.

“So siyempre, naiintindihan ko naman po yun kung bakit sila nagagalit.”

Kabilang daw ang manager niyang si Ogie Diaz at ina niyang si Michelle Ortega sa nagsasabi sa kanyang huwag intindihin ang bashers.

“Sina Tito Ogie po, sinabi niya na, ‘Anak, huwag ka ma-hurt, ha? Baka ma-affect ka. Ibig sabihin effective ka na character, effective yung role mo.’

“So, sabi niya, ‘Take it as a compliment.’

“Iyon din po sabi ng mommy ko na, ‘Huwag kang ma-hurt.’

“Kasi siyempre, it’s part of the role naman talaga na ma-bash ka.

“So, ayun po, I just take it as a challenge na lang yung mga iba.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Tapos yung mga iba, iniintindi ko na lang po, yung iba nga po nakakatawa pa, e.

“Siyempre po, may iba na medyo may kurot, pero ini-ignore ko na lang po.”

OVERWHELMED. Nasabi pa niyang na-overwhelm siya sa opportunity na maging bahagi ng OTWOL.

“Siyempre po, nao-overwhelm po ako dahil sobrang biglaan.

“Like noong dati, lalakad ako sa mall, walang titingin sa akin, walang nakakakilala sa akin, di ba po?

“Ngayon, ‘Grabe ka, Ysabel, layuan mo si Clark!’

“Pati po mga teachers ko ay sinasabihan ako ng ganoon, affected na affected po sila!” natatawang sabi ni Ysabel.

Dagdag niya, “Napaka-grateful po talaga ako na mabigyan ng chance na ganito, na maging part ng OTWOL.

“Biggest blessing po talaga ang pagkakasali ko sa OTWOL, napaka po. It changed my life po talaga.

“Parang yun yung what made my dreams come true talaga, na ngayon ay nandito na ho ako.”

Kinabahan ba siya unang eksena niya sa OTWOL?

Pag-amin ni Ysabel, “Siyempre po sobra akong kinabahan, kasi veteran na rin sila ni Ate Nadine, kaya nakakakaba po.”

Sinabi rin niyang supportive sa kanya si James, na pinakauna niyang nakaeksena bilang artista.

“Supportive po siya, marami po siyang binibigay na tips.

“Kunwari po, nang naging lasenggera ako, i-slur ko daw yung salita ko nang kaunti, bagalan ko pa raw nang kaunti, medyo maging tipsy pa na parang mahuhulog daw ako.

“Ginagabayan naman po niya ako.”

Kamusta namang katrabaho si Nadine?

Ayon kay Ysabel, “She’s very nice po, napakabait po niya talaga.

"Wala po akong masamang masasabi to the both of them."

Ano ang unang sinabi sa kanya ni James nang nag-meet sila?

“Sabi po niya, ‘A… so, you’re the love triangle.’ Ganoon po!” tawa niya.

Paano kung ligawan siya ni James?

“Ay, hala po! Hindi naman po siguro!” natatawang reaksiyon niya.

“Hindi po, we’re friends lang po talaga, bawal po kay Mama at bawal din po kay Papa.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang ama ni Ysabel ay si Senator Lito Lapid.

NO BOYFRIEND. Nabanggit din ni Ysabel na nasa kontrata niyang bawal siyang mag-boyfriend.

“Siyempre po, Tito Ogie bawal, sa mommy bawal, sa daddy bawal… ang daming bawal, ang daming pulis!”

Sino ang iniidolo niyang young star?

Sabi ni Ysabel, “First of all po, siyempre si Ate Liza [Soberano], kasi nagagalingan talaga ako sa kanya.

“Sa Forevermore pa lang po, magaling po siyang mag-arte at napakabait po niya.

“Si Kathryn [Bernardo] din po… Ina-idolize ko rin po si Kim Chiu, Bea Alonzo, at Ate Nadine.”

Gusto niya bang sundan ang yapak ni Liza, na talent din ng manager niyang si Ogie?

Sagot ni Ysabel, “Siyempre po gusto ko rin po talagang sumikat. Dati pa lang po ay pangarap ko na iyon.

“If ever po na yun po yung path that’s meant for me, sobra po akong magiging grateful.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN