Hiro Peralta conditions his mind he is the next Dingdong Dantes; willing to give way to Alden Richards

Hiro Peralta on Alden Richards's success: “Natutuwa ako sa popularity niya dahil advantage sa home network namin yun. GMA would be known worldwide, like legit. Even foreigners will ask, 'What is GMA?' 'It’s a network in the Philippines and may mga actors sila na ganito.' What if Alden is the headstart of the company, what if Alden can lead all of us? It’s good for everyone, good for the business, yun po.”


Malaking sorpresa raw sa Kapuso talent na si Hiro Peralta na mabigyan siya ng isa pang teleserye ngayong taon.

Lalong hindi niya inaasahang siya ang magiging leading man ni Kris Bernal sa primetime series na Little Nanay, na nag-pilot nitong Lunes, November 16.

Sabi ni Hiro, “Actually, na-shock po ako, hindi ko ini-expect.

“I was only expecting Pari ‘Koy; after that, I will take a rest this year.

“Feeling ko kasi, napansin lang ang character ko sa Pari ‘Koy; same project, same routine, ganun pa rin ang mangyayari.

“Tapos nagulat ako na wala pang isang buwan, sinabihan ako ng management, ng manager ko, ‘I’ll call you later. We’ll see you later, sasabihin ko kung leading man ka na.’

“Hindi ko talaga ini-expect.

"Parang, 'Wow, nice… puwede na akong mag-leading man sa primetime.'"

Anim na taon na raw si Hiro sa showbiz at ngayon pa lang siya nabigyan ng lead role.

“For me, this is Godspeed, whatever happens to my career, Godspeed.

“Kumbaga, kung ibibigay ho sa akin agad ang mga roles na ganito… I wouldn’t be capable of it.

“Ngayon, Godspeed po talaga na parang ibinigay talaga sa akin ni God.”

Inamin naman niyang may pagkakataong nainip at nalungkot din siya sa paghihintay.

Saad ni Hiro, “Kasi yung mga kasabay ko, Derrick [Monasterio], sila Kristoffer [Martin], parang they have this role.

“Dumating din sa point na I wanna go to the States na lang and continue my life there.

“Then, nangyari yung Pari 'Koy.”


NEXT DINGDONG? Sa pagkakataong ito, nararamdaman daw ni Hiro na ito ang posibleng maging simula upang maihanay na rin siya sa mga leading men ng GMA Network.

Aniya, “Actually, meron nga po akong mindset…

"I’m not being boastful here, I’m not bragging na baka mapahiya ka lang.

“Pero sine-set ko sa mind ko, sinasabi ko po sa sarili ko palagi na ako yung magiging susunod kay Kuya Dong [Dingdong Dantes].”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paano kung may magsabing mayabang siya na siya mismo ang nag-label sa sarili?

Tugon niya, “Iba po yung being arrogant and being confident or being positive.

“Kasi kung itatatak niyo naman po sa sarili niyo na kaya niyong maging ganito, kaya mo.

“Mind over matter, yun po…

"Last January, dumating si Pope, nagdarasal ako sa kanya.

“Sabi ko, ‘Eto na yung taon ko, walang makakapigil sa akin, walang pipigil sa akin kahit sino pa ‘yan. Kahit kamag-anak ko.’

"Ganun pa po yung sabi ko!" natawang sabi niya.

“Then, nagkaroon ako ng Pari ‘Koy, ini-expect ko yun lang yun.

“Last January, sinabi ko rin po na, 'Someday, magiging ka-partner ko rin si Kris Bernal,' kasi I have a crush on her talaga.”

Napapansin daw niyang nagkakatotoo ang mga sinasabi o ipinagdarasal niya.

"Pero bakit gusto niyang maging next Dingdong?

Sagot ni Hiro, “Kasi he knows what he’s doing at saka people see him as a very nice person, very respected.”


ALDEN FIRST. Paano kung may magsabi na bago siya, si Alden Richards muna?

“Then, let’s go with it, Alden Richards muna.

"I’m a very patient person po.

“Actually, sabay kami ni Alden po na pumasok, sabay na sabay po kami.

“Naglaban po kami sa Alakdana, kaming dalawa po ang characters na naglaban.

“And now, he’s Alden Richards.

"Sabay po kami, pero he’s Alden.

“I have my own personality naman po… he has his own career path, I have my own career path.

“Sinasabi ko lang naman na I want to be the next Dingdong, [pero] Alden Richards muna, so be it.

“Give everyone their headstart, give everyone their advantages.”

Okey pa rin sila ni Alden bilang sabay pala silang nagsimula?

“Okey naman po kami.

"Wala naman po akong competition with anyone here, healthy competition po.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Natutuwa ako sa popularity niya dahil advantage sa home network namin yun.

"GMA would be known worldwide, like legit.

“Even foreigners will ask, 'What is GMA?'

"'It’s a network in the Philippines and may mga actors sila na ganito.'

“What if Alden is the headstart of the company, what if Alden can lead all of us?

“It’s good for everyone, good for the business, yun po.”


LITTLE NANAY. Ayaw namang tingnan ni Hiro na tipong nakaungos siya sa isa pang Kapuso star na si Mark Herras pagdating sa bigat ng mga karakter nila sa Little Nanay.

Si Mark ay kapatid ni Kris sa serye habang siya naman ang leading man ng aktres.

Sabi nga niya, “Siguro po hindi naman naungusan.

“I think, the safest thing that I can say is, ako yung pinaka-fit sa character ni Archie.

“We had a screen test before they announced na ako ang lead.

“I gained weight po, tumaba ako. Nagpapayat po ako, not because of the show.

“Parang they told me, ‘Hiro, you’re getting fat. Don’t wait for the fat memo.’

“Parang ako, 'Sige, give me two weeks, I’ll lose weight, yung magandang weight loss.'

“Kaya nang makita nila ako, hindi na ako mataba.”

Hindi nga itinatago ni Hiro na dati pa ay crush na niya talaga si Kris.

Kaya raw doble ang saya niya nang malaman niyang ito ang makakapareha niya sa Little Nanay.

“Nagkasama na kami sa Pari ‘Koy kasi they stayed in my apartment dahil ang character ko nga dun, bakla ako.

“This is the second show that we work together.”

Nang malaman naman niya na kakaiba ang kuwento ng primetime series nila, ano ang naramdaman niya?

“Dun na po ako na-pressure,” pag-amin niya, “Normal po ako [sa serye], pero this is something na hindi ko pa nata-try.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Being a young parent, being someone na iiyak, kasi hindi niya kaya ang responsibility na biglang nangyari.

“I’m still in high school nang may mangyari sa amin; sixteen ako, eighteen naman siya [Kris] sa story.

“Magkasama kasi kami ni Tinay, palagi kaming nanonood ng cartoons sa kuwarto.

“Then it happened na may nangyari sa amin.

“Malungkot ako kasi kiniss ni Tinay si Archie sa story.

“Nine years old po mag-isip si Tinay sa story, walang malisya sa kanya ang kiss.

“Kaya wala kaming torrid kissing scene rito at saka in denial ang love ni Archie kay Tinay,” saad ni Hiro.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN