Ria Atayde rates herself as an actress: “I have a lot to prove pa, ang dami ko pang kailangang gawin.”

Ria Atayde plans ahead this early in her acting career, “Ipon muna, then invest po siguro sa land, yung ganun.” But first, she wants to treat her family to a huge dinner.


Sa mga hindi nakakaalam, ang baguhang aktres na si Ria Atayde ay college graduate mula sa De La Salle University at may sariling business na rin.

Pero iba raw talaga ang tawag ng showbiz kaya pinagsasabay niya ang pag-aartista at pagma-manage ng sarili niyang negosyo.

Kaya naman wala na raw siyang oras pa sa love life.

“Career muna po at saka wala talagang time, totoo po yun!” natawa niyang sabi nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kamakailan lang.

Adjusted na raw siya sa buhay showbiz, "But at the same time, nami-miss ko minsan yung time that I have for myself.

“Hindi naman sa hindi ko na magawa, parang maraming constraints lang.

“Pero okey lang, little sacrifices to reach my dream, di ba?

“Happy naman ako sa ginagawa ko. Nakaka-miss pero hindi naman ako nahihirapan.”

Masasabing laki sa magaan na buhay si Ria, pero maaga raw siyang natuto kung paano ang magsumikap talaga.

Ayon pa sa kanya, pag-i-invest ang pinaplano niyang gawin sa kanyang kinikita.

“Actually, ang gusto ko munang gawin, dinner with family na ako po talaga ang magbabayad.

“For me, fulfilling yun; after that, ipon muna.

“Nakausap ko kasi si Tito Freddie [Webb], yun din ang naging advice niya sa akin.

“So, siguro po, ipon muna, then invest po siguro sa land, yung ganun.”


FACE FACTOR. Marami na ba ang nakakakilala sa kanya, halimbawa kung lumalabas siya tulad sa mall?

Saad ni Ria, “Hindi naman po marami kasi kapag lumalabas naman po ako, hindi naman po ako yung nakaayos talaga.

“Minsan po, no makeup kasi nagmi-make up na ‘ko every day sa work, parang ayaw ko naman na yung skin ko masira.

“Or sa blower po, kapag walang work, tine-take advantage ko na air dry lang para hindi ma-damage.”

Dagdag niya, “Actually nakakatuwa rin po kasi meron na rin po talagang mga nakaka-recognize.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“It’s more on hindi sila sure, parang, ‘Siya ba yun?’”

Mas ikinatutuwa raw ni Ria yung online fan page.

“Di ba, super close ako kay Coleen [Garcia, mag-best friend at magpinsan sila].

“So, yung mga fans niya, parang naging fans ko na rin.

“Early on, kahit hindi pa ko artista, gumawa na sila ng page tapos ginawa nila kong admin.

“Pero hindi ko ginagalaw kasi parang ang awkward, tinitingnan ko lang, ang dami ng nagla-like.

“Yung messages ng mga tao dun, hindi lang ako nagre-reply kasi parang nahihiya ako.

“But I remember noong nag-start yun, parang mga hundred something lang.

“Ngayon, they’re thousands na po kaya nakakatuwa talaga.”

GUIDED. Unang proyekto ni Ria sa telebisyon ang morning serye ng ABS-CBN na Ningning, kunsaan gumaganap siyang Teacher Hope.

Magkasama sila rito ng ina niya na kilala sa husay pagdating sa pag-arte, si Sylvia Sanchez.

Inamin ni Ria na naiilang siya na natatawa sa ilang eksena na nagkakasama silang mag-ina.

Kuwento niya, “Nag-good afternoon ako sa kanya sa scene, tapos siya, ‘Good afternoon po.’

“Parang ako, ‘Totoo, nagpu-po ka sa akin?’

"Doon lang, doon lang ako tumatawa, kapag long shot.”

Ano ang pakiramdam ni Ria habang kinukunan silang mag-ina ng eksena?

“I guess, a little bit pressured, ang galing kasi ni Mommy.

“Hindi naman ako na-intimidate kasi si Mommy, nagga-guide, hindi siya intimidating.

“Tinuruan din kasi niya ako na huwag ma-intimidate sa iba.

“Instead of being intimidated, level with them, parang ganun.

“She tells me naman kung may mali, she tells me kung happy siya sa ginawa ko, always, hanggang ngayon.

“Yung scene kasi namin noong una, sobrang simple lang, ‘Good afternoon,’ parang yun lang.”


PROUD MOMMY. Kamakailan lang ay may ipinost ang mommy niya na very proud daw ito sa kanya.

Ayon naman kay Ria, “Hindi ko rin po alam kung saan galing yun, out of nowhere, I saw it.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Parang ako, ‘Wow!’ Siguro po, natutuwa lang din siya sa akin.

“Like sa house, after ng Ningning, tatawagin niya akong bumaba para sabihan ng pointers.

“Sasabihin niya, ‘Nak, okey ‘yang ginawa mo,’ ‘Nak, kulang ‘yang ginawa mo.’

“At saka si Mommy, may baon ‘yang TV, ABS-CBN TV Plus, so lahat pinipiktyuran niya.

“Sinasabi niya kung okey o kulang ang reaksiyon ko.”

Lahat naman daw ng nakukuha niyang pointers sa kanyang mommy ay sinusunod ni Ria.

“Alam ko naman kasi na I have a lot to prove pa, ang dami ko pang kailangang gawin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN