John Lloyd Cruz on working relationship with Bea Alonzo: "Never been better."

John Lloyd Cruz on onscreen partnership with Bea: “Kung dati palaging may pag-aalinlangan, ang daming iniisip, ang daming iniintindi. Parang lahat yun, nawala."


Sa loob ng 13 taon nilang pakikipagtrabaho sa isa't isa, may ilan pa ring hindi makapaniwala na walang namagitan kina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo nang higit sa pagiging magkaibigan.

Ngunit consistent si John Lloyd sa pagsasabing, “That's the magic of [our director] Cathy Garcia-Molina.”

Pagkatapos ay idinaan ni John Lloyd sa biro ang kanyang pahayag kaugnay ng mga papuring natanggap mula sa perennial leading lady.

“Yun talaga ang dream role ko, e. Makapagbigay ng pleasure sa pinakamaraming babaeng puwede!” natatawang hirit ng Kapamilya actor.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ibang reporters si John Lloyd sa presscon ng pelikulang A Second Chance, na ginanap sa ABS-CBN Dolphy Theater, Huwebes ng gabi, November 19.


NO HESITATION. Ayon pa kay John Lloyd, hindi hamak na mas kumportable sila sa isa't isa ni Bea na magkatrabaho ngayon.

Lalo pa't noong nag-uumpisa pa lang ang kanilang tambalan ay ni hindi sila nag-uusap kung hindi rin lang sila magkaeksena.

Ani John Lloyd patungkol sa kanilang working relationship, “Never been better.

“Parang ito yung pinaka-okay naming naabot.

“Siguro dahil after so many years, eto na yung naabot namin.

“Kung dati palaging may pag-aalinlangan, ang daming iniisip, ang daming iniintindi.

“Parang lahat yun nawala.

“Parang ngayon, kami ni Bea, gusto lang namin magtrabaho.

“Gusto lang namin ini-enjoy bawat magkasama kami sa ginagawa namin.”

Huling nagkatrabaho sina John Lloyd at Bea sa pelikulang The Mistress at teleseryeng The Beautiful Affair noong 2012.


ADVICE TO TEEN LOVE TEAMS. Maraming young stars ang tumitingala at gustong sundan ang yapak nina John Lloyd at Bea sa showbiz.

Ito ay sa kadahilanang bukod sa galing nila sa pag-arte, hindi nila kinailangang maging magkarelasyon sa totoong buhay upang mapanatili ang kanilang onscreen chemistry.

Pahayag ni John Lloyd ukol dito, “Hindi naman dahil sa nakakatanda siya, pero parang ganun na rin.

“Pero more than that, parang mabigat din yung nakaatang sa iyo na responsibilidad, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Especially kung sinusundan ka ng mga younger generation.

“Pero sana hindi lang yung ganun sa mga rela-relasyon yung kanilang sinusundan.”

Payo pa ni John Lloyd, “I would want to see the next generation really pay attention to the craft, to the art, yung film.

“Yung makita mong seryoso sila sa ginagawa nila.

“Hindi lang inaabangan kung ilan ang followers nila sa social media.

“You want to see that, yung ganung qualities sa mga susunod na henerasyon [ng mga aktor].”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN