Kris Aquino tagged "insensitive," "hopeless" by netizens over sunburn joke

(Photo, left) Kris shows her sunburned shoulders from staying in the sun. (Photo, right) Kris elegantly covered at one of the summit’s side events. Many were insulted when Kris Aquino compared her “patche patche na balat” to the plight of the commuters during the APEC Summit.


“It’s not funny.”

Tila ito ang buod ng reaksiyon ng maraming netizens sa “sense of humor” ni Kris Aquino nang ikumpara niya ang pagkakasunog ng balat niya sa hirap na dinanas ng commuters sa Metro Manila sanhi ng APEC (Asia-Pacific Economic Convention) na ginanap sa bansa.

Si Kris at ang kanyang mga kapatid na babae na sina Ballsy Cruz, Pinky Abellada, at Viel Dee ang nag-host ng lunch program para sa mga asawa ng APEC leaders na ginanap sa Fort Santiago, Manila, nitong Huwebes, November 19.

Kinagabihan, nag-post si Kris ng litrato sa kanyang Instagram account na nagpapakita ng kanyang sunburn dahil daw sa init ng araw sa nasabing event.

Ang caption ni Kris sa nasabing post: “About to sleep, Bimb took this picture- decided to post this so we can all have a good laugh tonight sa karma ng kaartehan ko, na SUNBURN ako ng bongga—nabilad in Fort Santiago at the peak of the just before noon heat...

“You'll love the sense of humor of my sister Viel, baka daw my entire back nagka-lace-patterned sunburn.

“Si Bimb naman said the shape of the sunburn is like the Batman mask from the Michael Keaton era ...

“Quits na tayo sa lahat ng nahirapan mag-commute these past few days, patas ang mundo, patche-patche naman ang balat ko. #LaughterIsTheBestMedicine (I drank Paracetamol kasi parang lalagnatin ako sa init ng balat ko, any sunburn suggestions?) GOOD NIGHT.”

About to sleep, Bimb took this picture- decided to post this so we can all have a good laugh tonight sa karma ng kaartehan ko Ÿ˜‚ na SUNBURN ako ng bongga- nabilad in Fort Santiago at the peak of the just before noon heat... You'll love the sense of humor of my sister Viel, baka daw my entire back nag ka lace patterned sunburn. Si Bimb naman said the shape of the sunburn is like the Batman mask from the Michael Keaton era �"... Quits na tayo sa lahat ng nahirapan mag commute these past few days, patas ang mundo, patche patche naman ang balat ko. œŒŸ˜‚Ÿ˜˜Ÿ˜œ #LaughterIsTheBestMedicine (I drank Paracetamol kasi parang lalagnatin ako sa init ng balat ko, any sunburn suggestions?) GOOD NIGHT. #LoveLoveLove

A photo posted by Kris Aquino (@withlovekrisaquino) onNov 19, 2015 at 5:14am PST

BAD JOKE. Sa mga unang comments pa lang, mayroon nang nag-react at hindi nagustuhan ang pagiging “insensitive” ni Kris sa kalagayan ng commuters na naperhuwisyo ang mga biyahe sa loob ng ilang araw dahil sa pagsasara ng ilan sa mga kalsada.

Anila, mali ang paghahambing ng Kapamilya TV host-actress sa pagkasunog ng kanyang balat sa dinanas na hirap ng mga commuters na malayo ang nilakad sa kainitan ng araw ng ilang araw.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hinamon pa ng isang netizen si Kris na maglakad mula Cavite hanggang Maynila.

Sinagot naman ito ni Kris at hinamon ang netizen na maglakad suot ang mataas na heels sa loob ng maraming oras.

Banat pa ni Kris: “Patol ka much? Kaya nga yung hashtags ko… Haaay laugh na lang #goodvibesnaplease?”

Ang tinutukoy na hashtag ni Kris ay ang #LaughterIsTheBestMedicine

Isa pang netizen ang sinagot ni Kris dahil sa komento nitong insensitive si Kris.

Sagot ni Kris" “Kung pwede kitang regaluhan ng sense of humor Christmas gift ko na, address please?”

HER OPINION. Pero kung pagbabasehan ang mga komento, mas marami sa mga ito ang hindi natuwa o natawa sa “biro” ni Kris.

Tinawag na “self-centered,” “careless,” at “insensitive” si Kris dahil sa kanyang post.

Marami rin ang naghamon kay Kris na subukan niyang maglakad kagaya ng ginawa ng maraming commuters na naperwisyo.

May ilan na nagbahagi pa ng hirap na pinagdaanan nila upang makapasok lamang sa trabaho o makauwi.

Mayroon ding mga tagahanga o fans si Kris na naglahad na hindi sila pabor sa ginawang “biro” ni Kris.

Sinabi ng isa na para ikumpara ang sunburn ni Kris sa paghihirap na dinaranas ng mga Pilipino ay masyadong mababaw.

Samantala, may mga tagasuporta si Kris na kinatigan siya at sinabing “humor” lang ang kanyang sinabi.

Pinuri rin si Kris sa kanyang paghu-host sa mga asawa ng world leaders dahil hindi rin ito naging madali.

Sinabi pa ng isa na hayaan na lamang si Kris sa kanyang opinyon dahil karapatan niya iyon, kagaya ng iba.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN