Kylie Padilla frustrated with constant comparison to dad Robin Padilla: "I deserve my spot din naman."

Kylie Padilla is disappointed that people close to her keep comparing her to dad Robin Padilla. She says, “Personally, I'm happy. Shouldn't that be enough?”


Hindi naiwasang maglabas ng sama ng loob ni Kylie Padilla nang matanong tungkol sa takbo ng kanyang showbiz career sa ginanap na blog conference para sa GMA Christmas station ID noong Martes, November 17.

Bagamat masaya si Kylie sa kanyang narating sa showbiz, may pagkakataong napapaiisip raw siya ng: “Ginagawa ko ba ito para sumikat o ginagawa ko ba ito for my passion?”

Hanggang ngayon daw kasi ay may ilan pa ring patuloy na nagkukumpara sa kanya at sa kanyang ama na si Robin Padilla.

Sabi ng 22-year-old Kapuso actress, “I know the answer.

"May sinasabi sa akin na, 'Ay, hindi mo pa na-prove ang sarili mo kasi mas magaling pa rin ang tatay mo.'

"Yung mga ganun, naguguluhan ako; parang ano ba talaga yung gusto kong i-prove?

“Sa totoo lang, masaya na ako na nagagawa ko ang passion ko and that is acting.

"I don't feel... I don't suck at my craft.

“So, sa ngayon, I'm happy.

"I'm just frustrated na hanggang ngayon ay kailangan ko pa rin i-prove ang sarili ko."

Dagdag pa ni Kylie, mas nakakalungkot daw dahil hindi nanggagaling ang pagkukumparang ito sa ibang tao kundi mula sa mga malalapit na tao sa buhay niya.

Aniya, “Yun nga ang masakit, e, it comes from the people that I love or close to me.

“Ngayon, it's people whom I love who tell me, 'Bakit hindi ka pa ganito, ganyan-ganyan?'

“It hurts, but I was like, 'You try. Tingnan natin kung kakayanin mo.'''

Nang tanungin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung nakausap na niya ang kanyang ama tungkol dito, natawa na lamang si Kylie.

“I don't know how... basta ako, personally, okay ako,” sabi niya.

Nang biruin ng ilang bloggers na ita-tag na lang sa social media ang kanyang ama, agad na sumagot si Kylie ng “No!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



NOT HER GOAL. Para kay Kylie, hindi naman niya nais tapatan o higitan ang anumang narating ng kanyang ama.

“Alam naman natin na legend si Papa.

"And I'm not saying na I'm stopping here, pero it's not my goal... 'Ay, hihigitan ko ang tatay ko.'

“No, and that's my frustration na sana matanggal na.

“I don't know kung paano ko aalisin 'yon. I need that space.

“At least I know what I'm doing and hindi naman ako tatamad-tamad, I'm working hard.”

Nabanggit din ni Kylie ang pagkakaiba ng buhay-artista noon at ngayon.

“Iba rin kasi ang era nila.

“Wala pang Twitter noon, walang Instagram.

“They're so mysterious, so kapag may artista, talagang pupuntahan.

“Now, it's just so easy and it's so personal to get into the artists' life, just by going to their Instagram.”

Ano naman ang balak ni Kylie para iwasan na ang frustration niyang ito?

Sagot niya, “I'm gonna try new things na hindi trinay ni Papa, and maybe I'll succeed in those.

“Marami pa. I wanna direct a movie, I wanna win an award.

“Pero siyempre, hindi naman ako magiging slave para mag-win ng award.

“I just wanna be respected, you know.

"And it's really sad kasi you don't ask for respect, people just give it.

“But somehow, feeling ko, kailangan mong hingin.

“Actually, that's it, hindi yung maungusan ko yung tatay ko or whatever.

“It's just that I need the respect of the people, that's it.

"I deserve my spot din naman."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN