Morissette Amon amused by the attention of newbie singer Edward Benosa

Morissette Amon is busy promoting her first album, and singing will always be her top priority, but if an acting career beckons, "Kakayanin! Kung may magbigay ng opportunity sa acting, why not? Grab lang."


Wala raw kaso kay Morissette Amon kung naka-tie niya as New Female Recording Artist of the Year ang baguhang singer ding si Hanna Nolasco sa 7th PMPC Star Awards For Music na ginanap noong nakaraang linggo.

Sabi niya sa PEP.ph (Philippine Entertainmnent Portal), “Marami naman po kasi kaming bagong artists, and it’s undeniable na napaka-talented ng mga Pinoy.

“And I’m just very grateful na na-recognize po ako.

“Ngayon po, ipagpapatuloy ko lang ang pagpu-promote ng aking album and, hopefully, makapag-concert na rin early next year.

“My album is under Star Records, my very first album, which was released mid of this year.

“It’s more R&B, it’s different sa usual ballad na ginagawa ko lagi, so it’s a twist.”

Open ba siya na i-try din ang acting?

“Puwede naman kung may mag-offer po, pero ayoko yung iiwan ang singing career ko kasi iyon talaga ang first love ko.

“If ever, kaya ko naman siguro. Kakayanin!”

Dagdag niya, “Kung may magbigay ng opportunity sa acting, why not? Grab lang.

“But right now, I just wanna keep giving my best all the time.

“Hindi ko pinababayaan ang singing stints ko, kahit maliliit na events o mga corporate events, lagi kong ibinibigay ang best ko.”

 

EDWARD BENOSA. Natawa naman si Morissette nang mausisa kung mayroon siyang someone special na nagbibigay ng inspirasyon sa kanya ngayon.

“Wala po, sobrang happy lang ako,” sambit niya.

Vocal ang baguhang singer na si Edward Benosa, na itinanghal na Best New Male Recording Artist sa 7th PMPC Star Awards For Music last week.

“Ay, talaga daw?” natawang reaksiyon ni Morissette.

Dagdag niya, “Actually, may musical play kami ni Edward, yung Chuva Tsu Tsu.

“It’s a comedy-romantic-drama musical kasama si Joanna Ampil at marami pa pong ibang theater artists.”

Choice niya na isantabi muna ang lovelife?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Basta wala po muna.

"I just wanna focus on my career muna kasi sa ngayon, busy rin ako… maraming ginagawa.

“Kasama ko naman ang family ko kaya I’m always happy when I’m with them.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN