Dingdong Dantes hopes to join Philippine delegates to 2015 Paris Climate Conference

“Ang main task ko naman doon ay i-deliver ang millions of voices na na-gather natin through #NowPH," says Dingdong Dantes about his supposed role in the upcoming 2015 Paris Climate Conference.


Kung si Dingdong Dantes ang tatanungin, gusto niyang makasama sa delegasyon ng Pilipinas sa gaganaping 2015 Paris Climate Conference, na magsisimula sa November 30.

Subalit nakadepende pa raw ang pagsama niya sa kalagayan ng kanyang buntis na asawang si Marian Rivera.

Ngayong buwan kasi nakatakdang isilang ni Marian ang unang anak nila ni Dingdong, na pangangalanan nilang Maria Letizia.

“Lahat 'yon siyempre magdedepende kung manganganak si Marian,” nakangiting pahayag ni Dingdong nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at GMA News kamakailan.

Sabi pa ng Kapuso actor, “Kung manganganak siya three days before that, baka hindi rin.

“Baka nandoon pa kami noon sa hospital.

"Pero sa ngayon, mas lamang ang oo, depende na lang ang mangyari.

“Ang main task ko naman doon ay i-deliver ang millions of voices na na-gather natin through #NowPH.”

Bilang commissioner-at-large ng National Youth Commission, pinangunahan ni Dingdong ang kampanya para sa One Million Filipino Youth Voices o #NowPH nitong nakaraang ilang buwan.

Layunin ng programa na makuha ang suporta ng kabataang Pinoy para sa nalalapit na World Climate Summit 2015.

NOT AFRAID. Samantala, hindi naman daw dapat ikatakot ng delegasyon ng Pilipinas ang naganap na terrorist attacks sa Paris kamakailan.

Sabi ni Dingdong, “Personally, hindi naman dapat maging balakid yung nangyari [sa Paris].

“In fact, yung isyu sa climate change is also something that affects humantity.

“Yung attack doon, sabi nga ng Pope, is an attack to humanity.

"So, hindi dapat maging rason yun para matigil ang isang mahalagang bagay din para sa mga buhay natin."

Ang tinutukoy ni Dingdong ay ang hangaring magkasundo ang bawat bansa na mabawasan ang global warming by more than three degrees celsius.

Diin pa niya, “Kapag hindi naituloy ito, para na nating sinabi na nagpatalo doon sa threats... so it's better na matuloy talaga siya.

“Pero siyempre, yung safety measures, kailangang ma-beef up talaga nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"O mas mahigitan nila kasi, siyempre, world leaders din ang dadalo rito.

“Sana maging safe ang lahat, but ultimately what we want is magkaroon ng agreement.”

Nakatutulong din daw ang positibong pananaw ng ibang bansa na kabilang din sa Paris Climate Conference.

Ani Dingdong, “Mas nagkakaroon ng lakas ng loob dahil ang buong mundo ay nagsasabi na kahit ano ang mangyari, kailangang matuloy ito.

“Kung hindi ngayon, ayaw natin mabuhay ulit na mayroon tayong pangangamba.

"Hindi natin alam kung kailan ulit tayo mabibiktima ng extreme weather events.

“Kinakailangan ngayon talaga na magkaroon na tayo ng agreement [on climate change].”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN