Kris Bernal happy for Sarah Lahbati's transfer to Kapamilya network

Kris Bernal says she's happy for fellow StarStruck Ultimate Female Survivor, who is now a Kapamilya: “So, if yun yung decision nila, of course, I’m sure pinag-isipan nila yun. Hindi din naman basta-basta.”


Isa si Kris Bernal sa StarStruck Ultimate Female Survivors na patuloy na umaalagwa ang showbiz career.

“Siguro suwerte lang ako. Doon mo na lang titingnan—na suwerte ako at isa ako sa nabibigyan ng trabaho na maayos, na maganda yung opportunities,” saad ni Kris sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Bukod sa pagiging journey host ng StarStruck Season 6, bida si Kris sa GMA primetime series na Little Nanay, kung saan ginagampanan niya ang papel na Tinay Batongbuhay, isang nanay na may intellectual disability.


Ano ang nararamdaman ni Kris kapag nakikita niya ang kapwa Ultimate Female Survivor na si Sarah Lahbati sa ibang TV network?

Si Sarah, na Ultimate Female Survivor ng StarStruck Batch 5, ay nasa ABS-CBN na.

Saad ni Kris, “Pina-follow ko rin naman siya sa Instagram, so I see some of her posts.

“Masaya ako sa kanya dahil nakita ko yung maturity niya.

“At the same time, alam kong gustung-gusto niya yung trabaho niya.

"Pero alam kong gustung-gusto niya rin yung pagiging nanay niya."

Dalawang taon na si Zion, anak ni Sarah sa kanyang boyfriend na si Richard Gutierrez.

Patuloy ni Kris, “Nakikita ko na naha-handle niya [Sarah] yun nang very balanced.

“And ang ganda-ganda niya ngayon!”


RESPECT. Ano ang nararamdaman ni Kris kapag lumilipat sa ibang TV network ang kapwa niya StarStruck survivor?

Sagot niya, “Masaya ako!

“Kasi nirerespeto ko naman yung desisyon nila, e. And of course, iba-iba din naman 'yang experience sa career.

“Like, may iba talaga na nabibigyan at hindi. May iba talaga na nagbu-bloom at hindi.

“So, suwertihan lang talaga.

“So, if yun yung decision nila, of course, I’m sure pinag-isipan nila yun. Hindi din naman basta-basta.”


ON HIRO PERALTA. Sa kuwento ng Little Nanay, nabuntis ni Archie San Pedro, ang karakter na ginagampanan ni Hiro Peralta, si Tinay.

Paano kung ligawan ni Hiro si Kris sa tunay na buhay?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot ng aktres, “Well, he’s twenty-two and I’m twenty-six.”

Konti lang ang agwat ng edad nila.

“Puwede naman, puwede. Kasi nakilala ko si Hiro. Maalaga naman siyang leading man sa akin.

“Kumbaga I’m just open to possibilities,” sabi ni Kris.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN