Mark Herras lets deserving actors take the spotlight: “Hindi naman tayo maramot.”

Mark Herras doesn't mind sharing the spotlight with deserving actors: “Hindi naman sa lahat ng pagkakataon ay tayo ang bida, di ba?”


Okay lang para sa Kapuso actor na si Mark Herras na hindi siya ang leading man ni Kris Bernal sa GMA-7 primetime series na Little Nanay.

Si Mark ang gumaganap na kuya ni Kris, samantalang si Hiro Peralta ang katambal ng aktres.

Paraan daw ito ni Mark na bigyan ng suporta ang kapwa Kapuso artists.

Saad ng aktor sa set ng Little Nanay sa Sta. Ana, Manila, kung saan siya nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Sa 12 years ko na nasa showbiz, wala na siguro akong mahihiling pa sa career ko.

“I mean, ilang beses na tayong nagbida sa mga telerserye. Ilang mga leading ladies na rin ang nakatrabaho ko.

“Kumbaga, hindi naman tayo maramot. Kung mag-support man ako sa mga kasamahan natin sa GMA-7, walang problema.

“Like si Kris, nakatambal ko na siya ng dalawang beses—sa Time Of My Life [2011] at Hiram na Puso [2012].

“Kaya okey lang sa akin na suportahan ko naman siya ngayon dito sa Little Nanay bilang kuya naman niya.

“Itong Little Nanay, si Kris talaga ito, at ang husay-husay niya.

“Tsaka si Hiro naman, panahon na siguro na mabigyan siya ng break bilang leading man.

“Hindi naman sa lahat ng pagkakataon ay tayo ang bida, di ba?

“Nasubukan na rin ang mag-support at hindi naging issue sa akin iyon.

“Ngayon pa ba ako magrereklamo? E, ang dami nang nagawa ng GMA-7 para sa akin.

“Meron din naman akong Dangwa with Janine Gutierrez.

“Very thankful lang ako talaga at nandito pa rin tayo at pinagkakatiwalaan pa rin sa mga iba’t ibang roles.”


WORKING WITH NORA AUNOR. Blessing raw kay Mark na napasama siya sa Little Nanay kunsaan tampok din ang Superstar na si Nora Aunor.

Never daw naisip ni Mark na balang-araw ay makakasama niya ang Superstar sa isang teleserye.

Saad ng aktor, “Lahat naman kami, hindi kami makapaniwala. Parang ang suwerte naman namin, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Noong mag-taping na kami at nakaeksena ko na si Ms. Nora Aunor, nasabi ko sa sarili ko na, ‘Totoo na ito! Lola ko si Ms. Nora Aunor!’

“Kaya, alam mo yun, yung feeling na parang kumpleto na ang pagiging aktor mo dahil nakatrabaho mo ang nag-iisang Superstar?

“Hanggang ngayon, para akong nananaginip.

“Starstruck pa rin ako kahit na ilang beses na kaming nagkakasama at nakakakuwentuhan.

“Iba talaga kapag isang tinatawag na legend ang katrabaho mo.”

Dahil sa presence ni Nora sa set, hindi nagpapabaya si Mark sa kanyang pag-arte. Ayaw raw kasi niyang mapahiya at punahin ni Nora.

“Ilang beses kong binabasa at mine-memorize ang mga linya ko.

“Parang nakakahiyang ma-take two ka kapag kaeksena mo si Ms. Nora.

“Talagang ingat na ingat ako kapag kaeksena namin siya.

“Minsan nahalata niya na kinakabahan kami nila Kris at Juancho [Triviño]. Siya na ang nagsabi na mag-relax lang kami at mag-enjoy sa eksena.

“Ayaw daw niyang naiilang kami sa kanya.

“Ituring daw namin siyang parang barkada namin—parang totoong lola namin siya.

“Kaya cool na cool si Ms. Nora kapag nasa set ‘yan.

“Una ko siyang hinahanap kapag dumarating na ako sa set para kumustahin siya.”


READY FOR DARING ROLES? Maraming fans ng aktor ang nagre-request na gumanap pa siya ng mature at daring roles, tulad ng ginawa niya sa Karelasyon, kung saan ang papel ni Mark ay lover ng mga karakter nina Martin del Rosario at Mylene Dizon.

Inamin ni Mark na natakot siyang gawin ang role na iyon noong una dahil baka hindi pa matanggap ng marami ang pag-iba niya ng image.

Pero dahil sa magagandang reviews sa performance niya, open na si Mark na gumawa pa ng mga ganoong maseselang roles.

Ayon sa kanya, “Sobrang nasubukan ang pagiging aktor natin sa ginawa kong iyon sa Karelasyon.

“First time kong ginawa ang ganoon, kaya medyo kinabahan ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero okey naman lumabas at maganda ang feedback. Kaya ready na ako sa mga ganoong roles.

“I will be turning 29 na this December. It’s about time na rin na gumawa tayo ng mga ganoong roles.

“Basta maganda and istorya at magaling ang magdidirek, walang problema sa akin.

“Huwag lang yung sobra kasi may anak na tayo. May konting limitations pa rin naman tayo.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN