Former teen actress Kim delos Santos fondly remembers late dad: “My dad was like my hero.”

Former 90's teen star Kim delos Santos on her late dad: “I knew if things got tough kahit anong tampuhan namin, pag nilapitan ko siya, di niya ako matitiis.”


Ipinarating ng former 90's teen star na si Kim delos Santos sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang kanyang saloobin tungkol sa pagpanaw ng ama sa pamamagitan ng Facebook private messaging noong November 21.

Nakapaloob dito ang mga sagot niya sa aming mga tanong tungkol sa pagpanaw ng kanyang amang si Hormidas delos Santos noong November 18 sa Florida, U.S.A.

Ayon kay Kim, 67 years old ang kanyang ama noong mamaalam ito. Dati itong stationary engineer sa U.S.

Kuwento ni Kim. “Matagal nang may sakit ang daddy na diabetes and hypertension. In his 30s pa lang.

“Hindi na kasi niya masyadong pinansin. Basta trabaho nang trabaho.

“My dad was a hardworking man.

“He worked hard para makatapos ako ng LPN [Licensed Practical Nurse].

“He would pay for my school, car and give me allowance din. Panay overtime niya.

“Even when I was in the Philippines, lagi ako pinapaldahan ng damit at sapatos.

“And when I needed money to help put Ethan to school, he would help din.”

Si Ethan ang anak ng ex-husband ni Kim na si Dino Guevarra sa una nitong girlfriend.

Itinuring na rin ni Kim na tunay na anak si Ethan.

MY HERO.” Mahal na mahal daw ni Kim ang ama dahil hindi siya pinabayaaan nito noong tumigil siya sa pag-aartista.

“My dad was like my hero.

“I knew if things got tough kahit anong tampuhan namin, pag nilapitan ko siya, di niya ako matitiis,” sabi ni Kim.

Ngayong wala na ang ama, balak ni Kim lumipat sa Texas kasama ang kanyang boyfriend at doon na sila magpapakasal.

Yun nga lang, wala na ang ama ni Kim para ihatid siya sa altar.

“Now that my dad is gone, I’m planning to move to Texas and hopefully get married next year and have kids.

“That’s my main regret. I always wanted my dad to walk me down the aisle and be able to spoil my kids.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“But now I lost that chance and sobrang sakit.

“I always used to hear people say mahirap mawalan ng magulang. It is terribly true.

“But as the priest said during the mass, I now have an angel in heaven watching over me along with my grandma and Mama Mina.

“Hopefully, he can rest in peace,” dasal ni Kim.


THANKFUL FOR MESSAGES OF SYMPATHY. Nagpasalamat naman si Kim sa mga nagpaabot ng pakikiramay noong pinost niya sa kanyang Facebook account ang pagkawala ng ama.

Hindi niya ini-expect na marami pa rin ang nakakaalala sa kanya at nag-offer ng dasal para sa yumaong ama.

Ani Kim, “Thank you for still thinking of me.

“I really appreciate this.

“It makes me feel loved na kahit di na ako artista, naaalala niyo pa rin ako, so thank you.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN