Marian Rivera and Dingdong Dantes welcome their first child, Maria Letizia

Dumating na ang pinakahihintay na sandali nina Marian Rivera at Dingdong Dantes dahil isinilang na ng Kapuso Primetime Queen ang una nilang anak na si Maria Letizia.


Isinilang na ng Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera ang kanilang panganay na anak ng mister na si Dingdong Dantes ngayong Lunes ng umaga, November 23.

Pinanganalan ng tinaguriang Kapuso royal couple ang kanilang babaeng anak na Maria Letizia.

Napag-alaman ng PEP.ph (Philippine Enterainment Portal) mula sa talent manager ni Marian na si Rams David na kaninang 5:25 A.M. nanganak ang aktres sa Makati Medical Center sa pamamagitan ng normal delivery.

May timbang daw si Maria Letizia na 6.9 lbs.

Ito ay base na rin sa text message ni Dingdong na: "Maria Letizia came out at 5:25 a.m today Thank God they are both safe and okay."

Hindi na kami nagulat sa nalaman naming kasama, nakabantay, at nakaalalay ang ngayo'y proud daddy na si Dingdong sa buong panahong nagli-labor si Marian.

Halos isang buong araw raw nag-labor si Marian, ngunit sa kabila nito ay naipanganak pa rin niya nang normal si Maria Letizia.

Ayon din sa manager ni Marian, nakakabilib talaga ang Kapuso star dahil ilang oras pagkatapos nitong magsilang ay nakakausap na siya agad.

Siyempre pa, parehong masayang-masaya sina Dingdong at Marian na makita ang kanilang panganay na anak.

Halos lahat naman ng mga tagasuporta nina Dingdong at Marian ay nagdasal para sa ligtas at normal delivery ni Marian, kaya masaya sila sa balitang nanganak na ang aktres.

Ngayo'y naghihintay ang lahat na mag-post sina Marian at Dingdong sa kanilang Instagram accounts ng larawan ng first baby nila.

Matatandaang dahil sa pagbubuntis ni Marian kaya hindi natuloy ang pagbibida niya sa teleseryeng The Rich Man's Daughter nitong taon.

Bagamat nakapag-taping na siya ng ilang episodes ay kinailangan niyang mag-back out mula sa proyekto dahil sa maselan niyang pagbubuntis.

Pinalitan si Marian ni Rhian Ramos.

Pagkatapos magpahinga ng ilang buwan ay nagbalik-telebisyon ang Kapuso Primetime Queen sa pamamagitan ng bagong weekly comedy-musical show na Sunday Pinasaya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ngunit kinailangan niyang mag-leave of absence two weeks ago dahil sa nalalapit niyang panganganak.

At ngayong araw nga ay dumating na ang pinakahihintay na sandali nina Marian at Dingdong—ang masilayan ang kanilang unang supling na si Maria Letizia.

Congratulations, Marian and Dingdong!


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN