Kris Aquino hits back at basher who called her 'cheap': “I’m not cheap at all.”

Hindi nagustuhan ng Queen of All Media na si Kris Aquino ang panlalait sa kanya ng isang basher sa Instagram kaya naman sinagot niya ito. Kalaunan, sumuko ang naturang basher at humingi ng dispensa sa kanyang mga nasabi na pinatawad naman ni Kris.


“I’m not cheap.”

Ito ang tugon ni Kris Aquino sa isang netizen na tinira siya sa pagiging “KSP” daw nito at ang paghahalintulad sa kanya kay dating First Lady Imelda Marcos.

Kahit burado na ang post ng nagngangalang @justpeteclyde, na-screen shot ito ng Queen of All Media at ipinost niya ito sa kanyang Instagram account kagabi, November 22.

Bahagi ng nakasaad sa post ni @justpeteclyde: “APEC is good for Filipinos we are thankful…if Kris messed it up a bit due to her ksp behavior and attitude… well let’s not give Kris too much credit when she behaves like APEC is all about her.

“Kris Aquino, you have no relevant impact on APEC except the selfies and attention ksp stuff just made it cheaper… hays classy na sana… until she does things she always does… tapos pag tinira mo, iiyak-iyak sa TV hays.”

Kasunod namang binanatan ng naturang netizen ang pagkatao ni Kris.

Aniya: “San ka ba nagmana hija, nakakahiya sa magulang mo.

“Plus you criticize the Marcoses for their lifestyle ikaw din pala Imeldific.

“Hahaha, sa nakikita ko hindi sila naiiba. Mala-Marcos din pati yung pagtago ng mahihirap... wearing an evening gown in broad daylight and that body-hugging yellow dress in front of Jose Rizal’s statue, oh my.

“Can’t get any nouveau rich and cheaper than that.”

Kaagad namang sinagot ni Kris ang post na ito.

Pahayag ng bunsong kapatid ni President Noynoy Aquino: “@justpeteclyde you deserve a reply because you’re not on PRIVATE so at least you have guts.

“You also deserve a reply because I paid for everything I wore.

"I paid for the entertainment & decoration for the APEC Spouses’ lunch unlike yung binibida mo na nagnakaw sa Pilipinas—oh and I used the money I earned from SMDC’s parent/sister companies SM and SMarkets for those expenses.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Oh, and 1 more thing I forgot, SMDC is lined up for a major portion buy in my show (Kris TV), so the nouveau rich & cheap girl you just attacked has been paid MILLIONS by the company you are a sales agent for—PROOF POSITIVE, BILOG ANG MUNDO.

“Shucks, di ko na-send sa yo the picture of all our Filipino women achievers at our APEC lunch na naka-FULL FILIPINIANA din.

“Visit mo na lang my website where SM HAS A BIG BANNER AD. So you’ll see.

“AND I’LL be sure to make mention of how articulate you are to Ms. Tessie Sy Coson—she’s a textmate & take it from her, I’m not cheap at all.”


“I REPLIED WITH FACTS AND HONESTY.” Mukhang sa naging tugon ng Kris TV host, naging palaban pa ang naturang netizen na isa palang broker ng SMDC (SM Development Corporation), pagmamay-ari ng pinakamayamang tao sa Pilipinas na si Henry Sy.

Ang panganay na anak ni Sy ay si Teresita ‘Tessie’ Sy-Coson.

Sagot ni @justpeteclyde kay Kris: “Yes, I know madam. Tinakot mo kasi na isumbong ako.

“For the hell I care naman kung isumbong mo ako, di ba??? At sinabi mo talaga na textmate pa po kayo ni Madam Tessie Sy. Like… What??! So??!”

Buwelta ni Kris: “Please re-read what I wrote. I said nga that I’ll mention to TSC you’re articulate—tinakot na kita?

“Diba praise nga ang pagiging articulate?

“And regarding our being textmates, and now celebrating my 3rd Christmas with @thesmstore, can you blame me for being proud to be close (to) Tessie Sy-Coson—to the richest, most powerful, most hardworking & most inspiring woman in our country?

“She who has provided employment, bank security, enjoyment, entertainment, education, affordable housing, tourism and the overall respect for all Filipino consumers?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I see nothing wrong in anything I posted in reply to all your words.”

Nakalagay sa caption ni Kris sa post na ito: “This is how it started... @justpeteclyde posted his thoughts & I replied w/ facts & honesty.

"Then he makes imbento na susumbong ko sya, when my direct quote was 'I'll be sure to make mention of how articulate you are to Ms Tessie Sy Coson, she's s textmate & take it from her, I'm not cheap at all...' Abangan."

PEACEFUL RESOLUTION. Dahil sa mga naging sagot ni Kris, mukhang nabahag ang buntot ng naturang basher.

Kalaunan, nagpadala ito ng direct message (DM) sa Instagram ni Kris at humingi ng paumanhin sa kanyang mga nasabi.

And this is his direct message today.

A photo posted by Kris Aquino (@withlovekrisaquino) onNov 21, 2015 at 11:44pm PST

And Part 3.

A photo posted by Kris Aquino (@withlovekrisaquino) onNov 21, 2015 at 11:46pm PST

Pinatawad naman siya ni Kris.

Sa huli niyang post, sinabi ni Kris sa caption: “And a peaceful resolution... Because humility & prayers will always go hand in hand for us who are trying to follow our Lord & Savior Jesus Christ. #LoveLoveLove.”

Samantala, nakatikim naman ng pangba-bash ang naturang netizen sa kanyang Instagram account.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN