Lola Nidora asks Alden and Yaya Dub: "Kayo na bang dalawa?"

Nasa ligawan stage na nga ba sina Alden at Yaya Dub? Ano ang sagot nila nang tanungin sila ni Lola Nidora kung sila na ba?


"Kayo na bang dalawa?"

Ito ang tanong ni Lola Nidora (Wally Bayola) kina Alden Richards at Yaya Dub (Maine Mendoza) na ikinakilig ng buong AlDub Nation sa episode ng Kalyeserye ng Eat Bulaga! ngayong Lunes, November 23.

Ilang linggo na rin kasi ang nakalilipas mula nang pahintulutan ni Lola Nidora sina Alden at Yaya Dub na magkalapit at magkalinlanan nang husto.

At sa mga nakaraang episodes ng Kalyeserye ay makikitang unti-unti nang nagiging kumportable sa isa't isa sina Alden at Maine, hindi lamang bilang mga karakter na ginagampanan nila kundi maging sa totoong buhay.

Hindi na rin sila nag-aalangang yakapin at hawakan ang isa't isa.

Maging ang pagbibitaw ng mga nakakakilig na linya ay parang natural na natural na sa kanila.

Kaya naman umaasa ang maraming tagahanga na mauwi na rin sa totohanan ang kanilang relasyon.

Sa tanong ni Lola Nidora kanina kung sila na ba, tila nabigla sina Alden at Yaya Dub at parehong napangiti.

Pero sagot nila pareho: "Hindi PA po."

Naitanong daw ito ni Lola Nidora dahil kung umasta raw kasi ang dalawa ay parang sila na.

Sabi naman ni Yaya Dub, "Friends, friends..."

Pinaalalahanan ni Lola Nidora ang dalawa na kilalanin muna nilang mabuti ang isa't isa sa pamamagitan ng ligawan.

Kaya diretsahang tinanong ni Lola Nidora si Alden kung nanliligaw na ba siya.

Hindi naman nakasagot si Alden at ngumit lamang ulit.

Kaya sinabihan ni Lola Nidora si Yaya Dub ng: "Magpaligaw ka."

Pinansin din ni Lola Nidora ang naging kilos ni Yaya Dub noong Sabado dahil para raw gusto nang kagitin nito si Alden.

Paliwanag naman ni Yaya Dub: "Na-miss ko lang po talaga si Alden."

Buwelta ni Lola Nidora: "Ganun na ba ngayon pag nami-miss, sumasampa sa likod?"

Sa pagtatapos kasi ng Kalyeserye noong Sabado, November 21, ay tumakas sina Alden at Yaya Dub matapos sabihin ni Lola Babah (Ai-Ai delas Alas) na ipapakasal niya si Alden sa Russian model na si Cindy Kournikova (Alina Bogdanova).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ipinaliwanag ni Yaya Dub na wala siyang sapatos noon kaya binuhat siya ni Alden.

Sa isang punto pa nga ay nadulas si Alden, habang karga si Maine, kaya napaluhod ang Pambansang Bae na ikinatawa ng lahat.

Biro nga ni Maine ay hindi pa siya nakaka-get over sa pagkakadapa ni Alden.

Hirit naman ni Alden, sign daw ang pagkakadapa niya dahil "nahulog" na siya kay Maine.

Binalikan ulit ni Lola Nidora si Alden at tinanong kung kailan ba siya manliligaw.

Sabi naman ni Alden, "Huwag po kayong mag-alala, Lola, alam naman po namin ang mga nararamdaman namin, e."

Paalala ulit ni Lola Nidora, hindi porke't may nararamdaman na ay hindi na magliligawan.

Ngunit paniniguro ni Yaya Dub, "Huwag magmamadali."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN