Lovi Poe posts friendly group photo with Rocco Nacino amid rumored breakup

"Our friendship got even deeper because of Beautiful Strangers. I'll miss seeing you guys on a regular basis!" says Lovi, referring to Heart (leftmost), Rocco (second to left), and Benjamin (rightmost).


Tila nananatiling magkaibigan at propesyunal sa trabaho ang magkasintahang Lovi Poe at Rocco Nacino sa kabila ng espekulasyong hiwalay na sila.

Ito ay matapos ibahagi ni Lovi ang masayang larawan nila ni Rocco, kasama ang Beautiful Strangers co-stars nilang sina Heart Evangelista at Benjamin Alves.

Sabi pa ni Lovi sa caption ng kanyang Instagram post kagabi, November 23: “Our friendship got even deeper because of Beautiful Strangers.

“I'll miss seeing you guys on a regular basis! #BeautifulStrangers.”

Kapansin-pansing ito ang kauna-unahang Instagram post ni Lovi kasama si Rocco mula nang sila ay magbakasyon sa Japan mahigit dalawang buwan na ang nakararaan.

Sa isang PEPtalk episode ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na lumabas noong October 1, masaya pang nagkuwento si Lovi tungkol sa relasyon nila ni Rocco.

"WALK AWAY OR TRY HARDER?" November 11 nang maiulat sa PEP ang tungkol sa espekulasyong nagkakaproblema ang relasyon nina Lovi at Rocco sa hindi malamang dahilan.

Ngunit maging si Heart, na malapit na kaibigan nina Lovi at Rocco, ay tumangging magkomento sa isyu.

Read: Heart Evangelista on rumored breakup of Lovi Poe and Rocco Nacino: "May mga ganun ba? Ayoko makialam."

Bago ito ay panay ang bahagi ni Lovi ng cryptic Instagram posts na may katagang: “Sometimes you have to give up on people. Not because you don't care, but because they don't.”

Maging si Rocco ay nagbahagi rin ng cryptic Instagram quote na nagsasabing: “One of the hardest decisions you'll ever face in life is choosing whether to walk away or try harder.

Malayo ito sa sweet moments nina Lovi at Rocco na madalas nilang ibinabahagi sa kani-kanilang Instagram followers noon.

A photo posted by Rocco Nacino (@nacinorocco) onNov 12, 2015 at 1:38am PST

Kung anuman ang dahilan ng kanilang hindi pagkakaunawaan, nilinaw ni Rocco na wala itong kinalaman sa third party o money issue.

Read: Rocco Nacino clears allegations about rumored breakup with Lovi Poe; remains mum on real status of their relationship

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa kabila nito, ipinahiwatig nina Lovi, Rocco, Heart at Benjamin na nananatiling buo ang kanilang magandang samahan sa set ng Beautiful Strangers.

Base na rin ito sa group photo na ibinahagi ng apat na Kapuso stars sa kani-kanilang Instagram accounts.

Kinunan ito sa last taping day ng pinagbibidahan nilang Kapuso primetime teleserye.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN