Paulo Avelino confirms he and KC Concepcion are on speaking terms again

Inamin ni Paulo Avelino na bukas na muli ang komunikasyon nila ng dating kasintahang si KC Concepcion at hindi raw malayong lumabas silang muli kapag nakabalik na si KC mula sa Amerika.


Naging matipid si Paulo Avelino sa pagsagot sa tanong kung nagkabalikan na ba sila ng dating kasintahang si KC Concepcion.

Nang matanong ang Kapamilya actor kung in love ba siya ngayon, natatawang sagot nito: “Very inspired… with work!”

Hindi kinumpirma ni Paulo kung nagkabalikan na sila ni KC, pero inamin niyang nagkita nga sila ng aktres sa London nang ganapin ang ASAP doon noong September.

“Now we’re communicating,” sagot ni Paulo tungkol sa status ng kanilang relasyon.

Nagkabalikan na sila?

Paglilinaw ni Paulo, “Hindi naman. Pero nag-uusap kami.

"We’re communicating, we’re friends.

"We have this connection na andun lagi na hindi siguro mawawala."

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng press si Paulo sa pocket press conference niya nitong Martes ng tanghali, November 24, upang ianunsiyo ang kanyang pagpasok sa ABS-CBN primetime series na On The Wings Of Love.

Gagampanan ni Paulo ang role ni Simon, ang boss ni Lea na ginagampanan naman ni Nadine Lustre.

KC'S TWEET. Samantala, binanggit ng PEP kay Paulo ang tweet ni KC kagabi, November 23, kung saan isang netizen ang nagtanong sa aktres kung siya ba ay single, in a relationship, its complicated or engaged.

Sumagot si KC ng “not engaged, definitely not complicated.”

Pero hindi sinagot ng aktres ang tanong kung siya ba ay single or in a relationship.

Definitely not engaged, definitely not complicated https://t.co/IvhL5Q5iRq

— KC Concepcion (@kc_concepcion) November 23, 2015

Ano ang reaksiyon dito ni Paulo?

“Well, di ko alam kung ano mako-comment. But I’ll always be happy and proud of her,” pa-safe na sagot ng aktor.

Tinanong din si Paulo kung lumalabas ba sila ngayon ni KC.

Tugon niya, “I go out in general.

"She’s in the US and we’ll see when she comes back.

"We might go out. We might not.

“[I’m] busy with work. She might be busy also.

"But we’re friends and kung lalabas kami, di naman siguro malayong mangyari yon."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN