Joey Marquez reacts to ex-wife Alma Moreno’s interview with Karen Davila

Joey Marquez on ex-wife Alma Moreno's interview with Karen Davila: "Di mo maalis kay Karen yun kasi trabaho yun. It’s her credibility [na nakataya]. Sa aking pananaw lang naman, mahirap tanungin, e. Kahit ako siguro, yung mga senador ten years pinag-aralan yung RH [Reproductive Health] Bill. Ten or fifteen years, tapos tatanungin mo lang ng isang araw."


Kahit matagal na silang hiwalay, inamin ni Joey Marquez na nasaktan siya sa mga masasakit na salitang ibinabato ngayon sa dati niyang asawa na si Alma Moreno kaugnay ng naging panayam ng actress-politician sa programa ni Karen Davila na Headstart sa ANC.

Sa nasabing live interview ay nahirapang sumagot si Alma sa ilang mga katanungan na may kinalaman sa mga pinag-uusapang isyu ngayon sa pulitika.

Dahil dito ay naging viral ang video ng interview at tinuligsa ng maraming netizens ang kakayahan ni Alma, na tumatakbo bilang senador sa 2016 elections.

Read: Senatoriable Alma Moreno ANC interview with Karen Davila goes viral; believes same-sex marriage is a sin

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Joey sa taping ng Celebrity Playtime ng ABS-CBN noong Linggo, November 22, ay kinuha namin ang reaksiyon niya sa kinahinatnan ng panayam ni Alma.

Pahayag ng aktor na dati ring mayor ng Parañaque City, “Umiyak ang mga anak ko, e.

“Pag ang mga anak ko ang nasasaktan, nasasaktan ako.

“Pag anak ko ang sinasaktan, nagagalit ako.”

Sina Joey at Alma ay nagkaroon ng tatlong anak at isang adopted child—sina Yeoj, Winwyn, VJ, at MM.

Patuloy ni Joey, “Kaya lang, fair naman ako, e.

“Fair ako sa lahat na tinitingnan ko kung ano ang dahilan.

“Hindi mo maalis kay Karen yun kasi trabaho yun, it’s her credibility.

“Sa aking pananaw lang naman, mahirap tanungin, e..

“Kahit ako siguro, yung mga senador ten years pinag-aralan yung RH Bill, ten or fifteen years, tapos tatanungin mo lang ng isang araw.

“BBL [Bangsamoro Basic Law], hanggang ngayon di pa napapasa, pinag-aaralan pa rin yun hanggang ngayon.

“Sa akin, medyo mahirap talaga.

“Kahit ako, nabasa ko siya, pero naiilang pa rin akong sagutin kasi hinihintay ko ang opinyon ng mga senador na nag-aaral diyan ng dekada."

Diin pa niya, “Pero hindi rin natin masisisi si Karen, trabaho niya yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Trabaho niya na ipaalam sa tao ang kapasidad ng mga tumatakbo.

“Wala akong sinisisi dun, ang sinasabi ko lang, huwag namang sabihin nila na, ‘Artista lang ‘yan, e.’

“Ako, artista din ako, pero siguro may alam naman ako nang kaunti.”

THE EFFECT. Dahil sa naturang interview, naging negatibo ang dating sa karamihan ng kandidatura ni Alma. Sinasabi nilang hindi pa handa ang dating aktres na tumakbo bilang senador.

Ano ang masasabi ni Joey rito?

Saad niya, “Sabi ko naman kasi, para huwag nang kuwestyunin yung mga tumatakbo.

“Kasi karapatan ng bawat isa ang tumakbo, kasi yun ang nakalagay sa konstitusyon.

“Hindi mo puwedeng pigilan ang kahit na sino, kahit na teacher, kahit na mahirap o mayaman.

“Mahirap kuwestyunin ang sinasabi ng batas na lahat puwedeng tumakbo.

“Kuwestyunin natin nang sabay-sabay yung mga legislators natin na sana lagyan ng qualifications ng isang tumatakbo.

“Mga specific na qualifications, like pag presidente ka, heto ang educational background mo, academic background mo.

“Pag senador, dapat ganito, nang sa ganun, huwag naman nating kukuwestyunin bakit ka tumatakbo?

“Ang sinusunod kasi natin ay konstitusyon, e.”

Sabi pa ni Joey, “Wala akong sinisisi dito, e.

"Kung mayroon man akong sinisisi dito, dapat gawin nating specific ang mga qualifications."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN