Mosang ‘very happy’ for Judy Ann Santos: “Very happy para sa kanilang mag-asawa, very timely yung pagbubuntis niya.”

Mosang on her friendship with Judy Ann Santos: "Kahit hindi kami nagkikita nang madalas, we value yung kung ano yung mga pinagsamahan namin. At tsaka we don’t burn bridges. Hindi ko alam, kasi pareho kaming Taurus, e. Siguro ano kami. Kami yung tipong pasensiyosa at mapagmahal talaga sa kaibigan."


Tuwang-tuwa ang character actress na si Mosang para sa matalik na kaibigang si Judy Ann Santos, na nakatakdang magsilang ng pangatlong anak nila ng asawang si Ryan Agoncillo sa huling linggo ng Disyembre.

Saad ni Mosang, “I’m very happy for her! Very happy para sa kanilang mag-asawa.

"Very timely yung pagbubuntis niya. Mabuti naman yung gapping."

Ten years old na ang panganay nila Judy Ann at Ryan na si Yohan samantalang limang taong gulang na ang kapatid nitong si Lucho.

Juana Luisa o Luna ang ipapangalan ng mag-asawa sa isisilang na anak.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Mosang sa mini-presscon ng Kulay Abo Ang Madaling Araw noong November 22, sa White Knight Hotel, sa Intramuros, Manila.

Sinabi rin ni Mosang ang wish para sa kaibigan.

"Tsaka si Mareng [Judy Ann], gusto ko rin talaga siyang magkaanak pa ng isa pa.

“Or kung puwede, isa pa. Charing! Kasi sayang, e, sayang.

“And I know she’s a very good mother. She’s a very good daughter.”


ENDURING FRIENDSHIP. Ano ang sikreto ng matagal na pagkakaibigan nina Mosang at Judy Ann?

Sagot ng Pepito Manaloto mainstay, “Kahit hindi kami nagkikita nang madalas, we value yung kung ano yung mga pinagsamahan namin.

“At saka we don’t burn bridges.

"Hindi ko alam, kasi pareho kaming Taurus, e.

“Siguro ano kami... kami yung tipong pasensiyosa at mapagmahal talaga sa kaibigan.

“Very loyal sa friendship.

“Tsaka she’s very transparent kasi like me. Pag nagtatampo siya, nagtatampo siya.

“Pag mahal ka niya, mahal ka niya talaga. Pero sasabihin niya sa iyo yun.

“Pag nagtatampo siya, sasabihin niya. Iyon ang gustung-gusto ko sa kanya.

“Tsaka siguro hindi kami yung tipong friends na naggagamitan lang. Hindi.

“Tsaka through the years, hindi ko siya puwedeng kalimutan as a friend.”

Surprisingly, sa telebisyon pa lamang nagkakasama sina Mosang at Judy Ann, hindi sa pelikula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sa Esperanza, doon kami unang nagkakilala. Then we did Basta Kasama Kita with Robin Padilla.”


KAPUSO PROJECTS. Isa si Mosang sa mga artista ng Because Of You, ang upcoming primetime series ng GMA Network na pinagbibidahan nina Carla Abellana, Rafael Rosell, at Gabby Concepcion.

Saad ni Mosang, “I’m playing Malou na household ano... na ang kasama ko lagi si Tita Celia Rodriguez.”

Mainstay rin si Mosang ng Pepito Manaloto.

Anim na taon nang dire-diretsong artista ng Kapuso network si Mosang.

“Kasi talaga namang lagi akong binibigyan ng magandang proyekto ng GMA,” pasasalamat niya.

Idolo raw ni Mosang ang veteran actresses na sina Gloria Romero at Lolita Rodriguez.

“At si Juday, siyempre, impeccable naman ang acting nun!”


STAGE PLAY. Samantala, balik-teatro si Mosang sa Kulay Abo Ang Madaling Araw, na ginawa niya noong teenager pa siya.

Siya ang gaganap na Nanay Pia, ina ng lead character na si Lucing.

Paglalarawan ni Mosang, “Nangyari ito sa Iloilo, Japanese invasion.

"So it’s about sa war siya, sa isang town sa Iloilo.

“This play, we’ve been doing this since I was 19 years old. [It is]

"Originally written by Marlon Mente kasi story ito ng town nila. Siya rin ang nagdirek.

"Parang reunion namin ito, e. Napalitan lang yung ibang cast kasi siyempre kailangan din ng mga bata, na yung mga dating character na mga bata tumanda na kami lahat.

“Nakakatuwa because the Intramuros Center for Arts, tinulungan ang Teatro Intramuros to open up at para muling buksan ang Rajah Sulayman sa Fort Santiago na dating pinagpe-perform-an ng PETA [Philippine Educational Theater Association'.

“Kasi mula nang mawala ang PETA dun, wala nang gumagamit ng Rajah Sulayman.

“It’s a very good venue.”

Mapapanood ang Kulay Abo Ang Madaling Araw sa November 27, 28 at 29, at December 2, 3, 4, 8, 9, 10, 11.

Itatanghal ito hanggang Enero 2016 sa Rajah Sulayman Theater sa Fort Santiago sa Intramuros, Manila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kasama rin sa cast sina Raymond Rances, Kathy Arguelles, Kristine Pacquiao, Gzhelle Pacquiao Erwin Ignacio, Dennis Obispo, Jay Balleza, Delyn Rose Buiza, Angelica Mercado, Iris Borgonia, King Sesuca, Marlo Salazar, Joyce Baclili, Mae Joy Catucod, Jenalyn Ombrog at Krista Miller.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN