Mark Neumann upbeat about Viva takeover of TV5’s entertainment department

Mark Neumann on effect of Viva takeover of TV5: “Yung playground namin bilang actors, yung mga talents ng TV5 mas magiging malawak yung playground namin. So, hindi lang teleserye or TV shows. Some will work sa movies and stuff like that, which is good. I’m happy for everyone.”


Hindi raw nag-aalala si Mark Neumann sa mga nangyayaring pagbabago sa kanyang home network, ang TV5, lalo na’t ang Viva Productions ang magha-handle ng entertainment department nito.

“Well, as early as possible, sinabihan kami ng isang taga Talent Center na si Sir Bebong [Muñoz].

"Sinabihan kami na kahit mawawala yung entertainment [department ng TV5], wala naman masyadong magbabago.

“Siguro sa technical side. Pero when it comes to us [the artists], it will still be the same.

"Magte-taping kami, and even dadagdagan pa [ng work]," sabi ni Mark.

Napanatag daw siya sa ibinigay na assurance ni Bebong tungkol sa kanilang trabaho.

“Yes, parang it is to ensure us na hindi naman kami pababayaan,” sambit pa ni Mark.

Eksklusibong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Mark sa taping ng TV5 horror-comedy series na #ParangNormal Activity, na produced ng The Idea First Company, noong Nobyembre 17 sa Golden Meadows Executive Village, Marcos Highway, Antipolo.

Positibo rin ang pananaw ni Mark sa pagsasanib-puwersa ng TV5 at Viva.

“Actually, parang mas magiging malawak yung playground namin na yung TV5 and Viva are working together.

“Yung playground namin bilang actors, yung mga talents ng TV5, mas magiging malawak yung playground namin.

"So, hindi lang teleserye or TV shows.

“Some will work sa movies and stuff like that, which is good.

"I’m happy for everyone."

MEETING WITH BOSS VIC. Kasama si Mark sa Kapatid artists ng TV5 Talent Center na nakipag-usap sa pinuno ng Viva na si Vic del Rosario noong Oktubre 15.

Um-attend din sa meeting sina Eula Caballero, Shaira Mae, Akihiro Blanco, Chanel Morales, Alberto Bruno, Chris Leonardo, Malak So, at Nicole Estrada.

Masasabi ba ni Mark na parang co-managed na sila ng TV5 Talent Center at Viva?

Sagot niya, “Co-managed? Parang, yeah.

"Parang they are equally sharing each other’s talents.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, kung may kailangan sila sa TV5 for their projects, they put it in.

"Or kung may project sa TV5, a Viva talent can also get the project."

Pinapirma na ba sila ng contract na ang Talent Center at Viva ang hahawak sa kanila?

“Hindi pa naman po.”

Ano ang sinabi ni Boss Vic sa kanila?

Ani Mark, “Nung nag-meeting po kami, sabi ni Boss Vic, ‘Welcome to Viva, Kapatid!’

“Tapos sabi niya, ngayong nagwo-work together ang TV5 at Viva, mas malaki na yung puwedeng playground para sa aming talents and we will be working together, bale projects ng Viva and TV5.”


MORE WORK. Natutuwa si Mark na nabigyan kaagad siya ng mga kasunod na proyekto pagkatapos ng pinagbidahan niyang teleserye na Baker King.


Napabilang siya sa cast ng #ParangNormal Activity kasama nina Ella Cruz, Ryle Santiago, Andre Garcia, Shaun Salvador, Taki, at Kiray Celis.

Saad ni Mark, “Bale guest po ako dito. This is my fifth taping na for #ParangNormal.

"Ako po dito si Jason, which is ang character ko po dito sa story ay boyfriend po ni Charlie [Ella].

“Pero naka-comatose po siya. Ako yung boyfriend niya.

"Since she’s a ghost, wala po siyang memory of her previous life.

“So, hindi niya ako kilala. And hindi ko rin siya nakikita kasi wala akong third eye.”

Kumusta ang pakikipagtrabaho ni Mark sa cast?

“It’s really fun working here. At saka chill yung set namin. Relaxing, at saka not much stressing.

“It’s good to work with everyone.

"Of course, yung bonding namin sa tent, lagi kaming magkakasama sa tent."

May dalawa pang projects si Mark sa TV5.

Magkasama sila ni Eula Caballero sa Wattpad Presents Wrong Number.

Si Monica Cuenco naman ang kapareha ni Mark sa TV5 telesine na My Only Love.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN