Mark Neumann accepts TV5's decision to pair him with leading ladies besides Shaira Mae

Mark Neumann on losing Shaira Mae as a loveteam partner: “At first po, nagulat po ako. Kasi parang, ‘Bakit hindi siya [Shaira Mae]?’ Pero siguro TV5 knows what they’re doing siguro. If that’s what they’re planning… maybe they’re planning something better for the both of us. Ganun po talaga.”


Inamin ng TV5 Talent Center artist na si Mark Neumann na nagulat siya at nagtaka kung bakit hindi ang ka-love team niyang si Shaira Mae ang ipinapareha sa kanya sa projects niya ngayon sa Kapatid network.

“At first po, nagulat po ako. Kasi parang, ‘Bakit hindi siya [Shaira Mae]?’

"Pero siguro TV5 knows what they’re doing siguro.

“If that’s what they’re planning… maybe they’re planning something better for the both of us. Ganun po talaga.”

Eksklusibong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Mark sa set ng Wattpad Presents Wrong Number noong Nobyembre 20 sa Quezon City.

Pinagbibidahan ito ni Mark at ni Eula Caballero, kasama sina Christian Samson, Helga Krapf, Dianne Medina, at Via Carrillo.

Marami rin ang nagtataka sa pagbabagong ito sa career ni Mark dahil ang ganda na ng build-up sa love team niya ni Shaira noon.

Maraming beses nang nagtambal sina Mark at Shaira sa kilig mini-series na Wattpad Presents. Dahil dito, tinawag ang dalawa na “Kilig Prince and Princess.”

Pero sa bagong Wattpad Presents, si Eula na ang kapareha ni Mark.

Kay Ella Cruz ipinareha si Mark sa horror-comedy series na #ParangNormal Activity.

Maging sa TV5 telesineng ginawa ni Mark na My Only Love, ang Viva artist na si Monica Cuenco at hindi si Shaira ang kapareha ng aktor.

Natanong tuloy namin si Mark kung may sama siya ng loob sa TV5 dahil hindi na siya ipina-partner kay Shaira.

Sagot niya, “Hindi naman po.

“Me kasi, I’m quite an understanding person.

"There must be a reason why, and they won’t do that just to make us angry or something like that.

“They know what they’re doing. They’ve been handling us for quite a long time na, and we’ve been doing well in the care of TV5.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


MISSING SHAIRA MAE. Nagkausap na ba sila ni Shaira tungkol sa sitwasyon?

Ayon kay Mark, “Not yet po. Hindi pa po sa ngayon.”

Nami-miss niya ba si Shaira?

Pag-amin ni Mark, “Nami-miss ko po si Shaira.

"I mean, simula pa lang po ng Artista Academy kasama ko na siya.

“Halos… actually, hindi halos, kasi lahat po talaga ng projects, siya po talaga yung ka-love team ko hanggang sa Baker King.

"So, medyo nami-miss ko rin po siya."

May feedback na ba si Mark mula sa fans nila ni Shaira tungkol sa pagkahinto ng tambalan nila, lalo na sa Wattpad Presents?

"Medyo nagtatanong tanong lang po. They were asking, ‘Bakit hindi si Shaira?’

“Ako naman po, naawa rin po, kasi siyempre they love her. They like our love team, di ba?”

Umaasa pa rin si Mark na magkakaroon sila ng projects ni Shaira in the future.


EULA CABALLERO. Gagawin na lang daw ni Mark ang best niya sa mga proyektong ibinibigay sa kanya ng TV5, sinuman ang kapareha niya.

Nakikita niya rin itong opportunity para makatrabaho ang ibang leading ladies.

First time na nakapareha ni Mark si Eula Caballero bilang leading lady sa Wattpad Presents Wrong Number.

Pero nagkasama na sila sa dating comedy-gag shows ng TV5 na Lokomoko U at Tropa Mo Ko Unli.

Ani Mark, “Sobrang masaya po katrabaho si Eula.

"Kasi sa Lokomoko at Tropa dati, parang joke-joke time lang po, e.

“Dito sa Wattpad, medyo intense yung scenes, more serious.

"Nakikita ko po yung professionalism sa kanya."

Kumusta ang kilig scenes nila ni Eula?

Tugon ni Mark, “Cute naman, masaya.

"Kasi we have been friends naman for a long time since I joined TV5.

"Kumportable po ako sa kanya kaya hindi ako nao-awkward o naninibago masyado.”

Hindi ba siya na-awkward na kasama rin sa cast ang boyfriend sa totoong buhay ni Eula na si Christian Samson?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Mark, "Hindi naman, kasi friend ko rin yung boyfriend niya, so we’ve known each other well.

"Kaya no worries, work is work."

Paano sila naging magkaibigan ni Christian?

"Through Eula. Minsan din nagkakasama kami sa ibang events."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN