Marlene Aguilar suspects CIA involvement in son Jason Ivler’s conviction

Naniniwala si Marlene Aguilar na makakalaya pa rin ang kanyang anak na si Jason Ivler mula sa sentensiya nitong hanggan 40 taong pagkakabilanggo dahil sa kasong murder. Iaapela raw ng kanilang mga abugado ang naging hatol sa anak.


Naniniwala si Marlene Aguilar na may kinalaman ang Central Intelligence Agency (CIA) ng Amerika sa naging hatol na hanggang 40 taong pagkakakulong o reclusion perpetua sa kanyang anak na si Jason Ivler dahil sa kasong murder.

Dating U.S. Marine si Jason at isa namang masugid na tagabatikos ng Amerika si Marlene.

Kahapon, November 24, lumabas ang desisyon sa sala ni Judge Luisito Cortez ng Quezon City Regional Trial Court kung saan binasahan ng sentensiyang reclusion perpetua si Jason kaugnay ng road rage killing kay Renato Ebarle Jr. noong November 18, 2009.

Read: Jason Ivler found guilty of murder; sentenced to reclusion perpetua

Sa Facebook post ni Marlene kahapon din, November 24, nanindigan itong inosente ang kanyang anak.

Pahayag niya, “As far as I am concerned, this is the CIA's way of punishing me for my disobedience.

"It's very complicated. This is part of the 'game within games within games.'

“I remain very confident that sooner than later, truth and justice will prevail.”

Iaapela raw ng kanilang mga abugado ang naging hatol ng hukuman.

Naniniwala silang balang-araw ay mapapawalang-sala rin si Jason katulad na lamang sa kaso ni Hubert Webb na sangkot sa Vizconde massacre noong 1991 at napawalang-sala ng korte nooong 2010.

Sabi ni Marlene, “The lawyers will appeal it. Son of Freddie Webb went to jail for 15 years and he was proclaimed NOT GUILTY later.”

Ayaw naman daw niyang magpaunlak ng panayam sa media dahil hindi naman daw ito maiintindihan ng publiko.

“I refuse to give any media interview. Why? It is because the answers I will give to their questions, the public would never understand. So what is the point?”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN