James Reid allegedly seen romancing Julia Barretto in a restaurant; fan gets wildly bashed

Mainit na pinag-uusapan ngayon ang diumano’y pang-iisnab ni James Reid at pagtanggi nitong magpakuha ng picture sa isang fan nitong madaling-araw ng Lunes, November 23, sa isang bar sa The Fort, Taguig City. Buwelta pa ng naturang fan, baka busy ang On The Wings Of Love star sa pakikipaglandian at pakikipaghalikan nito kay Julia Barretto.


Pinag-uusapan ngayon sa social media ang diumano’y pagtanggi ni James Reid na magpakuha ng picture sa isang fan.

Noong Lunes, November 23, isang random post sa Facebook ang pumukaw sa curiosity ng fans ni James at ng JaDine, ang tawag sa tambalang James at Nadine Lustre.

May mga rebelasyon kasi ang naturang post.

Sabi ng isang nangangalang Inah Evans, natapos nung November 23 ng madaling-araw ang kanyang pagiging fan ng On The Wings Of Love star na si James.

Dito ay ibninulgar din ng fan na bukod sa ABS-CBN talent na si Patrick Sugui (PBB Teen Clash of 2010), kasama rin daw ni James sa restaurant si Julia Barretto.

Dagdag pa niya, “Ang yabang lang. Presko ba. Kasi nga famous.

"And the fact that he's so occupied kissing and flirting Julia Barretto that time.

“Yes, maybe that's why. Kulang na lang kasi magsex sila sa harapan namin hahahahaha. Real talk Bruh.

“Ayaw ko na kay James. Hmmmp.”

Matagal nang nali-link si James kay Julia.

Hulyo nitong taon may kumalat na balitang nag-coffee date daw ang dalawa ngunit itinanggi ito nina James at Julia.

Read: James Reid denies coffee date with Julia Barretto

JADINE FANS TO THE RESCUE. Dito na sunud-sunod na nagkomento ang fans nina James at Nadine.

May mga nagsabing nasa Ilocos daw ang dalawa at paano raw nakita ni Inah si James sa The Fort.

May iba namang nagsabing private place daw yung pinuntahan ni James at hindi public event.

Ang ilan naman ay nagsabing baka pagod ang aktor at wala sa mood na magpa-picture sa fans.

Buwelta ng nagngangalang Inah: “What is wrong with these Jadine fans. Ginawa pa akong sinungaling hahaha.

“Punieta kayo doon nga kayo sa mga wall niyo, huwag dito. We're not even friends here, eww hahaha.

“I may be a lot of things but I'm not a liar. Aba malay ko kung bakit nasa Ilocos siya hahaha hindi ako schedule planner nila but I saw what I saw and experienced what I experienced. Punta kayo sa The Bowery today mga hunyango i-confirm niyo puki niyo hahahaha.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I'm a fan too but not to the point that I have to twist reality to meet my expectation of the person I admire.

“Nagkwento lang ako. Kagaya ng lagi ko ginagawa dito sa Facebook. Hindi ako nagsinungaling. Hahaha.”

May ibang nagsasabing gusto lang sumikat ni Inah, isang hayag na bading.

May nagbanta pang papatayin daw siya dahil mapanira ito.

Resbak niya: “Ano na! Hindi pa rin natatapos ang mga Jadine at iba pa sa pagcocomment.

“Gabi na mga Ti! May pasok pa bukas hahaha. Kapag ako namatay o nakulong o di na nag-update bigla baka tinodas na ako ng mga galit na galit sa akin.

“Hardcore na ano ba yan nagkwento lang naman ang bakla ng kanyang karanasan hahahaha.

“Iyong disappointment ko kanina nafeel ko rin sa Hunger Games hahaha kasi di nagsuot ng red like sa poster si Catniss sa movie hahahaha tonight we turn our weapons to the capitol. Capitol Hospital o Capitol Commons?!!!!! Sharot!!!!!”

“I AM NOT LYING.” Dahil sa pagsasabi ni Inah na busy diumano si James sa "pakikipaglandian" at "pakikipaghalikan" diumano kay Julia, lalong kumalat sa Internet ang Facebook post nito.

Dinumog ang fan ng bashers at kung anu-anong masasakit na salita ang kanyang natanggap, pero isa lang daw ang pinanghahawakan ni Inah—hindi siya nagsisinulangaling.

Sa kanyang post kahapon, November 24, pinanindigan niyang totoo lahat ang kanyang sinasabi.

Aniya, “The past 26 hours were a total blast. Sabog ang notifications ko, inbox messages, message requests, nadagdagan ng whole new level of haters, nabawasan ng followers, nadyaryo, nafashion pulis, na lionheartv, napinoy101, nakepler na ng tuluyan. Na bash na naman. Hahahaha

“You are all entitled to your own opinions, pero du'n na lang sa wall niyo. I'm no longer interested reading your hate comments and all that shit. I can't keep up sa totoo lang. Hahaha.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“That being said, I leave you with this: I am not lying. I am sure about what I saw and what happened that madaling araw. Wala naman akong third eye no hahahaha. Nakita rin sila ng mga kaibigan ko.

“We just have to accept it and move on. And please, hindi po ako binayaran hahahaha yan yata pinakanakakalokang nabasa ko hahahaha.”

MUM ABOUT THE ISSUE. Dahil na rin sa nasabing post, nabulabog din ang Instagram page ni Julia Barretto.

Kinuyog din siya ng bashers at kung anu-anong masasakit na salita ang ibinabato sa kanya.

May nagsabi pa sa kanyang masuwerte ito at "natikman" na niya si James kaya raw marami ang galit dito.

"Malandi" rin daw ito.

May iba namang nagkomento na dahil ayaw niyang magsalita sa isyu kaya nagiging "negative" at "bad" ang imahe niya.

Pero may mga nagtanggol din naman sa Kapamilya young actress.

Kaya raw hindi sumasagot si Julia sa bashers dahil “classy and cool” daw ito.

Sa Instagram account naman ni James, may fans na gusto siyang magsalita sa isyu.

Bina-bash na rin ang aktor dahil sa pagkaka-link muli kay Julia.

Samantala, gusto na ni Inah na mag-move on sa isyu.

Nakasaad sa pinakahuli niyang post: “Ako magmomove on na bahala kayo. Kapag kayo di pa makamove on, ayoko man pero iboblock ko na lang kayong mga fantards kayo okay?

“I just shared my experience that morning and that's it. I don't have to prove anything sa inyo dahil 'di ko kayo kilala at wala akong pakialam sa inyo. Hahahaha.

“Diyos ba kayo?! I'm sorry if I burst your bubbles of fantasies toward your idols okay.

"But that's the reality. And there's more to life than James Reid.

“So to all my dearest Keplers, back to normal programming na po tayo ulit. Hahahahahahaha.”

Nagpadala na ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng mensahe kay James, sa handler nito, at sa isang malapit nitong kaibigan para sa kanilang pahayag tungkol sa isyu.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagpadala na rin kami ng mensahe kay Inah para sa iba pang mga paglilinaw, pero hindi pa ito sumasagot hanggang ngayon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN