Nadine Lustre bashed by fans for attending rumored ex-boyfriend's pool party

Sinabi ng ex-boyfriend ni Nadine Lustre na si JC Arcinue na hanggang ngayon ay nananatili silang magkaibigan ng Kapamilya star. Boto rin daw siya kay James Reid para kay Nadine.


Noong Sabado, November 21, isang open pool party ang inorganisa ng diumano'y ex-boyfriend ni Nadine Lustre na si JC Arcinue.

Imbitado rito ang On The Wings Of Love actress, at pumunta naman ito.

Si JC ay galing sa isang angkan ng mga pulitiko sa Sual, Pangasinan.

Si JC ay naging karelasyon daw ni Nadine noong nagsisimula pa lang ang Viva star sa showbiz.

Nagkahiwalay raw ang dalawa bago pa man ang pelikulang Diary ng Panget na pinagbibidahan ni Nadine at ng ka-love team nitong si James Reid.

Nung naghiwalay sila, nanatili raw silang magkaibigan.

Pero naging mainit na usapin sa Instagram ni Nadine ang kanyang pagdalo sa party ng sinasabing ex-boyfriend niya.

“NADINE AND I AREN’T TOGETHER.” Kahapon, November 24, isang source ang nagpadala sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng ilang screen shots ng sagot ni JC tungkol sa totoong estado nila ngayon ni Nadine.

Sabi nito: “Anyway, Nadine and I aren’t together.

“I’m very supportive of her career, and I don’t want anything to ruin it, not even me.

“To those who say 'I’m cheating,' it’s obviously I’m dating as well, because I’m single.

“Can’t single people go out on dates?”

Kasunod nito, sinabi ni JC na pabor siya kung magkatuluyan man sina Nadine at James.

“If she wants to date James, by all means she can. That’s up to her. Bagay naman sila.”

STILL GOOD FRIENDS. Kahit may namba-bash kay Nadine, marami rin ang sumusuporta sa kanya kung tungkol sa kanila ni JC ang usapan.

Magalang daw na tao si JC, at sana raw ay ito na lang ang makatuluyan niya.

Obserbasyon pa ng ilan, nananatiling magkaibigan ang dalawa dahil nitong nakaraang Mayo, parang magkasama pa raw ang dalawa sa Hundred Islands sa Pangasinan.

Ito ay base na rin sa posts nina Nadine at JC sa kani-kanilang Instagram accounts.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN