Enrique Gil thankful to Liza Soberano and their fans for sticking with him

Enrique Gil on airplane incident: “Ang mga fans naman, kilala nila ako, everybody knows who I am. Sobrang nagulat sila, ‘Seryoso, totoo ba ‘yan?’ Maraming nagalit sa mga stories that came out, all of them had my back naman; it didn’t affect my fans. They are super supportive."


Kung ang pagbabasehan ay ang resulta sa box-office ng pelikulang Everyday I Love You, masasabing hindi naapektuhan ang popularidad ng tambalan nina Enrique Gil at Liza Soberano sa kabila ng mainit na kontrobersiya na kinasangkutan ng aktor at ni Jessy Mendiola.

Nagpapasalamat si Enrique na hindi bumitiw ang kanyang ka-love team at mga tagahanga sa gitna ng lumabas na isyu.

Saad ni Enrique, “It doesn’t matter to me... I made a mistake.

“Si Liza, kasama ko siya nun… kilalang-kilala niya ako bilang tao.

“She was there, she saw everything.

"Kung hindi okay, di sana dapat di kami okay ngayon.

“She was beside me the whole time, I’m just thankful for that.”

Nabanggit din ni Enrique na dismayado siya sa pangyayari.

“Most of the thing naman na sinasabi, hindi naman totoo, dinagdagan ang istorya.

“Ganun naman talaga ang showbiz, e, may isang kuwento, palalakihin. Sanay na ako.”

Kaya naman lubos daw ang pasasalamat ng aktor sa kanyang supporters.

“Ang mga fans naman, kilala nila ako, everybody knows who I am.

“Sobrang nagulat sila, ‘Seryoso, totoo ba ‘yan?’

“Maraming nagalit sa mga stories that came out, all of them had my back naman; it didn’t affect my fans.

“They are super supportive.

"Kilala talaga nila ako, every taping nandun sila at kasama ako.

“Ever since, wala pa ako nung nagsisimula ako, kasama ko sila."


WHAT IF? Parehong artista ng ABS-CBN sina Enrique at Jessy, ano kaya kung mag-krus ang landas nilang dalawa?

Pahayag ng aktor, “If I will greet her? Of course, yeah.

“Wala namang problema sa akin.

“Kahit sino naman ang makita ko, lagi namang akong nagha-hi sa kanila.”

Bukas ba siyang makasama ang nakaalitang aktres sa isang proyekto sa kabila ng matinding isyu sa kanila?

Sagot ni Enrique, “Of course, why not?

"I’ve worked with her before… una sa Budoy, then sa Reunion.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I’ve worked with her so many times, walang problema sa akin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN