Aljur Abrenica reacts to Sarah Lahbati's transfer to ABS-CBN

Aljur Abrenica to start filming for Ang Hapis at Hinagpis ni Hermano Puli movie this December.


Nirerespeto raw ng Kapuso actor na si Aljur Abrenica ang desisyon ng kapwa StarStruck winner na si Sarah Lahbati na lumipat sa ABS-CBN.

Itinanghal na Ultimate Hunk si Aljur sa ika-apat na season ng reality-based artista search ng GMA Network; si Sarah naman ang itinanghal na Ultimate Female Survivor sa ika-limang season nito.

Ilan sa pinagsamahang proyekto ng dalawa sa Kapuso network ang Sunday All Stars at ang horror film na Basement.

Pahayag ni Aljur tungkol sa paglipat ni Sarah, “May kanya-kanya tayong lakad, e.

“We’re just making it complicated and ginagawa natin, pag-uusapan kapag may lumilipat ng network.

"Pero kasi, may kanya-kanya tayong lakad at mission sa mundo.

“Kung dun yung lakad niya, masaya ako sa kanya, kasi I’ve worked with her.

“She’s a very talented actress, multi-talented siya, and she offers a lot, e, and inspires a lot of people.

“As long as wala kang itinuturong masama at hindi ka pangit na example, then I’m happy.”

Matatandaang naging kontrobersiyal si Aljur noong 2014 dahil sa paghahain niya ng reklamo laban sa GMA Network at GMA Artist Center sa kagustuhang tapusin na ang kontrata niya rito.

Ngunit tila nagkasundo na ang magkabilang kampo at napapanood nang muli si Aljur sa mga programa ng Kapuso network.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang Kapuso hunk sa story conference ng kanyang pelikulang Ang Hapis at Hinagpis Ni Hermano Puli, na ginanap sa Limbaga 77 restaurant, nitong Martes, November 24.

Ang may-ari ng restaurant na ito na si Rex Tiri ang bagong producer ng nasabing pelikula.

HERMANO PULI. Masaya naman si Aljur dahil matutuloy na sa wakas ang Ang Hapis at Hinagpis ni Hermano Puli.

Si Aljur ang magbibigay buhay sa religious leader na si Apolinario dela Cruz o kilala rin bilang si “Hermano Puli” (also spelled as Pule), na nagsimula ng isang religious revolt noong 19thcentury.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Opisyal na inanunsiyo ng direktor na si Gil Portes na itutuloy na ang produksiyon nito sa storycon ng pelikula.

Matatandaang nitong nakaraang buwan, malungkot na ibinalita ni Direk Gil ang pagkaka-pull out ng pelikula sa Metro Manila Film Festival dahil hindi na itinuloy ng producers ang pagpopondo rito.

Read: John Lloyd Cruz's Honor Thy Father might enter MMFF 2015 as Hermano Puli backs out

Inamin ni Aljur na ikinalungkot niya nang mabalitaan ito.

“Nalungkot ako, nalungkot ako.

"Kasi the film is very promising and parang nakapag-build na siya ng pundasyon sa sarili ko, kasi na-attach na ako kay Hermano Puli.

“Yun yung pinanghihinayangan ko na hindi siya nakasali sa Metro Manila Film Festival dahil magbibigay ito ng kamulatan sa mga tao kung sino talaga at saan talaga tayo nagsimula, nag-evolve ang kasaysayan ng Pilipinas.”

Sisimulan na ang produksiyon ng Ang Hapis at Hinagpis Ni Hermano Puli ngayong Disyembre kaya naman excited na rin si Aljur na makatrabaho ang kanilang direktor at iba pang miyembro ng cast at crew ng pelikula.

Pahayag ni Aljur, “I’m very thankful and I’m excited to work with one of the greatest directors in the industry.

“Actually, I consider him as a living legend dahil marami na siyang na-move sa industry [through his works], like yung Markova.

"It’s a brilliant film na nagta-time lapse sa Quizon family.

“And our director kasi, it’s a privilege na makatrabaho yung isa sa mga direktor sa Pilipinas na nagbigay ng malaking karangalan sa bansa natin mula sa iba’t ibang bansa.”

Kabilang din sa cast ng Hermano Puli sina Louise delos Reyes, Enzo Pineda, Abel Estanislao, Diva Montelaba, Kiko Matos, Benjie Felipe, at Ana Capri.

Bukod sa kanila, makakasama rin ni Aljur ang kanyang mga kapatid na sina Vin at Allen Abrenica.

“It’s my first time working with my brother [Vin]. Bonus pa kasi kasama yung bunso namin, si Allen.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Iba yung joy na nararamdaman ko kasi it just started with a dream, e.

“It just started with a dream when I was young, I never knew na makakapasok ako sa industriyang ito.

“Napapamahagi niya na yung talent niya tapos may bonus pa, yung youngest brother ko, si Allen.”

Nakatakdang ipalabas ang Hermano Puli sa kalagitnaan ng 2016.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN