Jake Ejercito to Andi Eigenmann’s daughter: “No matter what they may say, u've got this love forevs.”

Jake Ejercito's birthday greeting to Andi Eigenmann's four-year-old daughter: “Thank you for being the best part of my every day."


Nanindigan si Jake Ejercito na hindi magbabago ang pagtingin niya sa anak ng ex-girlfriend niyang si Andi Eigenmann.

Ito ay sa kabila ng patuloy na espekulasyon ng ilan na posible umanong si Jake ang tunay na ama ng bata.

Read: Andi Eigenmann stands by calling Jake Ejercito has her daughter's 'father'

Sa kanyang Instagram post noong November 23, ipinahayag ni Jake ang kanyang pagmamahal para sa anak ni Andi sa pamamagitan ng isang sweet birthday greeting.

Dito ay makikita ang isang maiksing video kung saan naglalaro ng bubble gun ang four-year-old daughter ni Andi.

Sabi ni Jake sa caption patungkol sa bata: “Thank you for being the best part of my every day.

“No matter what they may say, u've got this love forevs. Happy birthday, princess xx”

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kahapon, November 24, nabanggit ni Andi na kasama si Jake sa isang birthday dinner para sa anak niya.

Naroon din umano sa naturang okasyon ang ina ni Andi na si Jaclyn Jose at kapatid na si Gabby Eigenmann.

Paglalarawan pa ni Andi tungkol sa birthday celebration na inihanda niya para sa anak: “Nasa school muna kami nag-celebrate. Nagpakain kami with her classmates.

“May cake and balloons and then dancing dancing.

“And then we went to the mall, I bought her presents, tapos we had dinner with my mom.

“Si Jake was there, my family, my kuya.”

BONDING TIME. Ang totoo ay hindi na bago kay Jake ang makitang kasa-kasama niya ang anak ni Andi, base na rin sa Instagram posts ng binata.

Tulad na lang nang ibinahaging larawan ni Jake kasama ang bata sa Ayala Alabang Village sa Muntinlupa City tatlong linggo na ang nakararaan.

O mermaid. My mermaid �"

A photo posted by Jake Ejercito (@unoemilio) onOct 31, 2015 at 9:50pm PDT

Apat na taong naging magkarelasyon sina Andi at Jake bago sila naghiwalay noong September 2014.

Sa kabila nito ay bukas si Andi sa pagsasabing nanatili silang mabuting magkaibigan ng dating nobyo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN