Carla Abellana clarifies Tom Rodriguez's walkout incident at their movie's premiere

“Call of nature, masama talaga ang pakiramdam niya,” says Carla Abellana about the recent walkout incident involving constant dating partnerbTom Rodriguez.


Kinumpirma ni Carla Abellana na nag-walkout nga ang rumored boyfriend niyang si Tom Rodriguez sa premiere night ng pelikula nilang No Boyfriend Since Birth noong November 8.

Pero agad nilinaw ng Kapuso actress na ito ay dahil sa “call of nature.”

Kamakailan kasi ay may lumabas na balitang nag-walkout si Tom sa premiere night ng bagong pelikula nila sa Regal Films.

Ang dahilan umano ay hindi nagustuhan ni Tom ang pagkaka-dub ng ilang eksena niya sa pelikula.

Pero paglilinaw ni Carla, “Nag-walkout siya, honestly, dahil ang kanyang tiyan ay sira.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters si Carla sa press conference ng bago niyang teleserye sa GMA Network, ang Because of You, Martes ng gabi, November 24.

Dito ay ikinuwento ng aktres ang pangyayari noong premiere night ng No Boyfriend Since Birth.

Lahad ni Carla, “We had a mall show right before the premiere night sa Fisher Mall.

“So, doon pa lang, pagkadating na pagkadating ng mall show, lubog na 'to [mata ni Tom], walang energy.

“So, right away, people were rushing like, 'Bigyan ng Coke, bigyan ng food doon, may burger steak.

“Kain siya kahit wala siyang gana, finorce siya, at kinain naman niya.

“Tapos water, water, 'tapos Coke. So, kahit papaano nagising siya.

“He was able to perform at the mall show, only to find out na during the premiere night, tiyan naman niya ang ganun.

“So, before the premiere night, nag-restroom na siya.

“Siguro hindi pa tapos so masama ang tiyan niya noon.

"Even in the afternoon, masama na ang pakiramdam niya.

“Sabi niya, 'As much as I want to stay, I don't want to make a mess in my seat.'"

Diin ni Carla, "Call of nature, masama talaga ang pakiramdam niya."

Itinanggi rin ng aktres ang balitang nagtatampo si Tom sa Regal kaya ayaw na niyang gumawa ng pelikula rito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Carla, “Hindi po. Of course not, a movie is still a movie.

“Kumbaga, hindi lahat nabibigyan ng part sa movie sa dami ng artista.

“I'm sure go 'yan kung mabigyan ng bagong movie ng Regal.”

STILL DATING. Samantala, nananatili pa rin ang “dating” relationship nina Carla at Tom.

“Nagde-date naman po kami for almost a year na,” nakangiting sabi ni Carla nang usisain ang relasyon nila ngayon ni Tom.

Hindi naman daw si Carla naiirita kahit paulit-ulit siyang tinatanong sa estado ng relasyon nila ng kapwa Kapuso star.

“It's perfectly natural to ask, lalo na because we go out, nakikita talaga kaming magkasama.

“Hindi maiiwasan na yung mga tao sa labas, magpapa-picture.

“Yung mga fans nakikitang magkasama kami so, siyempre, they'll keep asking, they're always curious.

"It's not a problem, expected naman."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN