Andi Eigenmann admits dating a non-showbiz guy

Andi Eigenmann says her non-showbiz date doesn't mind that she's a single mom. "Hindi naman niya ako liligawan kung hindi okey sa kanya."


Ipinapalagay ni Andi Eigenmann na masuwerte ang kanyang career kapag wala siyang boyfriend.

Basehan niya ang magandang takbo ng kanyang showbiz career ngayon, lalo't bida siya sa Angela Markado, ang remake ng pelikulang idinirehe ng National Artist for Film na si Lino Brocka at pinagbidahan ni Hilda Koronel noong dekada 70's.

Ang bagong version ay idinirek ni Carlo J. Caparas.

Sabi ni Andi, "Yun nga po ang sabi sa akin.

"Pag walang boyfriend, walang trabaho, pag may trabaho, walang love life.

"Okey lang sa akin na walang love life."

Inamin ni Andi na may bago siyang inspirasyon ngayon—isang non-showbiz guy.

Kaya’t nilinaw niya ang mga sinabi tungkol sa pagkakaroon ng trabaho kapag walang love life.

"I mean, basing from my experiences from the past... I was young.

"Medyo, I guess, like nagiging controversial for some reason yung dalawang relationships ko."

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Andi sa pinakahuling presscon ng Angela Markado, noong November 24, sa Music Hall, Metrowalk, Ortigas, Pasig City.


NO COMPARISON. Ayon kay Andi, hindi pa niya maikukumpara ang kasalukuyang inspirasyon sa nagdaan niyang showbiz relationships.

“Kasi bago pa lang. Hindi pa kami, pero masaya ako.

“I'm taking it slow this time.

"Dati, parang wala nang nagrirespeto ng personal kong buhay kahit na artista po ako.

“I made a commitment to share my life to the industry.

"But then, sometimes, like this time, he's not in showbiz.

“I hope they would respect that side of my life from now on, because nakakahiya naman sa kanya."

Hindi ibinigay ni Andi ang pangalan ng lalaking nagpapasaya sa kanya ngayon.

Rason niya, "Let’s respect that he’s a private person.

"Tungkol na lang sa akin yung mga tanong."

Simpleng tao at down-to-earth ang deskripsiyon ni Andi sa manliligaw.

"Magkasundo kami in the shallow sense but we can connect also in a deep level, something I thought I would never find again."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa tingin ni Andi, hindi problema sa bago niyang inspirasyon ang pagkakaroon niya ng anak.

"Hindi naman niya ako liligawan kung hindi okey sa kanya."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN