Rafael Rosell admits being a vegan affects his relationships: "I don’t think I could date someone who kills for their appetite."

Rafael Rosell on being a vegan: 'Para sa akin, ang babaw lang na papatay ako ng bagay na buhay para lang ma-satisfy ang craving ko sa pagkain. Hindi naman makatarungan yun, para lang mabusog ako sa isang bagay na gusto ko, papatayin ko ang isang buhay na hayop."


Naikuwento ni Carla Abellana sa presscon ng bagong GMA primetime series na Because of You noong Martes, November 24, na naaawa sila minsan sa co-star niyang si Rafael Rosell dahil wala raw itong makain kapag meal break nila dahil hindi siya kumakain sa inihahain ng catering.

Pero tiniyak ni Rafael na okay lang sa kanya kapag wala siyang makain sa catering dahil mayroon naman daw siyang baon.

Tinitiyak lang daw ng aktor na ang kinakain niya ay hindi galing sa karne ng pinapatay na hayop.

Pahayag ng Kapuso actor sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Nagbabaon naman ako ng sarili ko.

“Minsan lang pag hindi ko nadala, nagpa-panic na silang lahat, kasi feeling nila wala na akong ibang kinakain.”

Si Rafael ay isang vegan o hindi siya kumakain ng anumang nanggagaling sa mga hayop.

RAFAEL IS A VEGAN. Pero ang ibang dahilan daw kung bakit hindi kumakain si Rafael sa harap ng co-actors niya at production staff ay dahil iniiwasan niyang makakita ng may kumakain ng karne o anumang pagkain mula sa pinapatay na hayop.

“Big illusion lang kasi dahil feeling nila puro gulay lang ang kinakain ko.

“Siyempre, tingin nila parang, ‘A, salad, ganun, konting carrots lang sa gilid-gilid…’ Hindi, e.

“Pag alam nila ang puwede mong gawin sa gulay, mapapansin nila ang dami ko palang kinakain.

“Yun nga lang, hindi lang ako masyadong kumakain sa harapan nila dahil parang…

“Hindi naman religion, pero naging paningin ko na sa buhay ko na parang pag Muslim, hindi ka kakain ng pork sa harapan nila, di ba, dahil parang…

“Ako naman kasi, ayoko lang talaga pumatay, e.”

Diin pa ni Rafael, “Gusto ko lang i-clear na hindi ako nagda-diet, hindi ako nagpapapayat.

"Ayoko lang talaga pumatay.

“Ayoko lang talaga gumamit ng ibang buhay na entity dito sa mundo para mabusog ako.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paliwanag pa ni Rafael tungkol sa pagiging vegan niya, “Para sa akin, ang babaw lang na papatay ako ng bagay na buhay para lang ma-satisfy ang craving ko sa pagkain.

“Hindi naman makatarungan yun, para lang mabusog ako sa isang bagay na gusto ko, papatayin ko ang isang buhay na hayop.

“Naging ganun na ang paningin ko. Hindi na siya diet, ano lang talaga…ayoko lang talaga maging ganun.”

DATING STATUS. Inamin din ng 33-year-old Kapuso actor na naapektuhan ang pakikipagrelasyon niya sa isang babae dahil sa pagiging vegan niya.

Kung maaari lang ay vegan din ang magiging girlfriend niya.

“If ever na may ma-meet ako, I guess there will be pre-judgment than thoughts pag sinabi ko na vegan ako, na hindi ako kumakain ng hayop.

“Wherever goes from there, bahala na.

“Pero if the girl still likes me after sabihin ko na vegan siya, there is the potential na magkakasundo kami.

“Pero, personally, I don’t think I could date someone who kills for their appetite, e.”

Patuloy ni Rafael, “Di ba, when you’re dating someone who smokes cigarette, amoy yosi lagi, e. Tapos ang lasa ng halik, yosi.

“So, para sa akin, yung baka naaamoy ko, e.

“Pati sa balat na pinapawisan o sa halik, naaamoy ko.”

Minsan ay nakikipag-date naman daw siya sa babaeng hindi vegan, pero alam niyang wala ring patutunguhan ang magiging relasyon nila kung kumakain ito ng karne ng hayop.

Malabo ba talaga siyang magkagusto sa isang babaeng kumakain ng karne?

Sagot ni Rafael, “I think if you say it like that, parang kinaka-qualify ko siya para maging sa akin, e.

“I think the notion is more na parang, if you’re open to my ideas, there is the possible chance that we can be together.

“Hindi naman yung tipong, ‘A, hindi ka vegan, hindi puwedeng maging tayo.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I think the better way of saying it is, ‘If you’re open-minded to my views and respect it, and there is the possibility na maging tayo.’”

Kaya ngayon ay single pa rin si Rafael at mahirap daw talagang makapasok siya sa panibagong relasyon dahil sa pagiging vegan niya.

“Malaking factors kasi sa akin yung paningin ng isang tao sa buhay, e.

“Yung goal ng isang tao, kung ano ang gusto niya.

“Naniniwala kasi ako na kung ang pangarap mo ay para sa ‘yo lang, hindi ganun kalaki ang pangarap na yun.

“Pero kung ang pangarap mo ay sagot para sa karamihan, yun ang pangarap.

“That’s why I’m single,” nakangiting sabi ni Rafael.

Tingin daw ni Rafael, isang vegan ang makakatuluyan niya at magiging partner in life.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN