Enzo Pineda proud of Alden Richards’ success: "It’s well-deserved at pinaghirapan niya yun."

Enzo Pineda on Alden Richards: “From day one na nakilala ko siya, ang layo ng bahay niya, Laguna. Tapos any work na mapunta sa kanya, pinaghihirapan talaga niya. Isipin niyo, araw-araw nagtatrabaho ka sa Eat Bulaga! as a host. Tapos may AlDub [Alden Richards-Yaya Dub] pa Monday to Saturday. Then Sunday, may Sunday PinaSaya pa."


Natutuwa ang GMA Network contract artist na si Enzo Pineda sa tagumpay na tinatamasa ngayon ng kapwa niya Kapuso artist na si Alden Richards.

Pahayag niya, “Actually, I’m proud of him, kasi isa siya sa mga taong nakita ko na masipag talaga.

“From day one na nakilala ko siya... ang layo ng bahay niya, Laguna.

"Tapos any work na mapunta sa kanya, pinaghihirapan talaga niya.

“So, for me, it’s well-deserved at pinaghirapan niya yun."

Dagdag ni Enzo, “Isipin niyo, araw-araw nagtatrabaho ka sa Eat Bulaga! as a host.

"Tapos may AlDub [Alden Richards-Yaya Dub] pa Monday to Saturday.

"Then, Sunday, may Sunday PinaSaya pa.

“So, talagang deserve po niya at suwerte niya. Suwerte niya sa nangyari.”

Nakapanyam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Enzo sa presscon ng bagong primetime series na Because Of You, noong November 24, sa Studio 7 ng GMA Network.

RIGHT TIMING. First Prince o first runner-up si Enzo sa Season 5 ng reality show na StarStruck, kung saan nag-audition din pero hindi pinalad makaabot sa Top 14 si Alden.

Nakatrabaho ni Enzo si Alden sa defunct musical-variety shows na Party Pilipinas at Sunday All Stars. Pero hindi pa sila nagkasama sa teleserye.

Ano ang masasabi ni Enzo sa iniisip ng iba na maraming young male stars na tulad niya ang “nasagasaan” ni Alden?

Tugon niya, “I think, kagaya ng sabi nila, darating at darating yun sa tamang panahon.

“Ako, I love what I’m doing—acting. And I think I have my own.

“May ibang image ako from Alden.

"So, ito ngang mga bad boy roles na nakukuha ko."

Paliwanag pa ni Enzo, "And pag nabigyan ka ng tamang break, you have to make the most out of it.

"So, tamang ano lang... patience lang talaga, hard work.

“Para sa akin, hindi po ako nagseselos or anything. Walang ganun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sa totoo lang naman, mangyayari’t mangyayari yun kung pinagpursigihan mo at pinaghirapan mo yung trabaho mo.

“So, ako, I just try my best all the time.

“And happy ako na nagagawa ko yung mga bagay na gusto ko, which is acting, and I feel blessed about it.

"And darating din yun, yung mga goals na gusto ko pang ma-achieve."


ONE BAD BOY ROLE AFTER ANOTHER. Imbes na magsawa, masaya raw si Enzo na sunud-sunod ang bad boy roles niya sa TV, kagaya na lamang dito sa Because of You.

“Sa totoo po, natutuwa ako sa mga roles na nakukuha ko, specifically mga bad boy.

"Hindi po ako nagsasawa kasi nag-e-enjoy ako gawin siya.

“Kasi pag yung role mo may pagka-bad boy, napapaglaruan mo yung eksena.

"Tsaka ako, nata-transform ko yung sarili ko sa ibang character kaya natutuwa ako."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN