James Yap to son Bimby: “Ang love ko sa ‘yo ay ang isang bagay na 'di kayang alisin ng nino man…”

James Yap posts a photo of him with ex-wife Kris Aquino and their son Bimby.


Nag-post ng larawan sa Instagram ang PBA player na si James Yap kasama ang dating asawa na si Kris Aquino at ang anak nilang si Bimby.

Kuha ang nasabing larawan sa first communion ni Bimby na ginanap ngayong araw, November 26.

Kalakip ng nasabing larawan ang madamdaming caption ng basketball player matapos siyang makatanggap ng pamba-bash tungkol sa kanyang pagiging tatay.

Ang negative comments tungkol sa kanya ay nag-ugat sa Instagram post ni Kris kahapon, Miyerkules (November 25), kung saan naglabas ng kanyang hinaing ang Queen of All Media tungkol sa kakulangan diumano ng effort ni James para maging malapit sa anak.

Sinabi ni Kris na matapos niyang i-text si James ng dalawang beses noong October tungkol sa first communion ng kanilang anak, hindi siya nakatanggap ng sagot mula kay James.

Sinabi naman ni James sa isang comment sa Instagram na sumagot siya sa mesahe ni Kris.

Sa bagong post ni Kris, ipinaliwanag niya ang “true story” kung bakit hindi niya natanggap ang text message ni James.

JAMES’ MESSAGE OF LOVE TO BIMBY. Maiksi pero malaman ang caption ni James sa kanyang post.

Sinabi ni James kung gaano siya kasaya para sa anak na muli silang magkasama at sinabing mahal na mahal niya ito.

Caption niya sa nasabing photo: “Bimb, congratulations on your First Holy Communion. Palagi mong gawing gabay si God hanggang sa paglaki mo.

“I love you so much my son at ang love ko sayo ay ang isang bagay na 'di kayang alisin ng nino man sa akin. God bless you anak at napaka-ligaya ni Papa na nagkasama tayo muli!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN